Kusot
Ace Illustrisimo POV
Tinulak ko din sa dibdib si Brusko, Kaso gumanti na naman kaya nagtawanan kami.
" Pero Chong, Ano bang Tipo mo? " Brusko.
" Ako?? Wala akong tipo " Sagot ko.
" Ano lang mga gusto mong katangian, Wala naman akong sinabing sino yung tipo mo " Brusko.
" Simple lang naman ang tipo ko, Mabait, inuuna yung pangarap, Inuuna yung pamilya, Masipag at syempre yung mahal ako tsaka tanggap yung buhay na meron ako " Sabi ko.
" Ang Swerte naman ng magiging asawa mo, Chong " Brusko.
" Gusto mo ikaw nalang " Biro kong sabi dito, Nakita ko ang pagkagulat nya sa sinabi ko, Kaya natawa ako at inakbayan sya.
" Biro lang, Hahahahaha Akyat na ako " Sabi ko dito, Tsaka Nakangiti ng nang aasar sa kanya, pero pansin kong nakasunod lang sya ng tingin sa akin kaya huminto ako ng nasa taas na ako ng hagdan.
" Huy, Brusko Biro lang yun, Ano pang hinihintay mo dyan? " Tanong ko dito, Tinuro nya yung bahay namin.
" Ah, S-susunduin ko lang yung kapatid ko, Chong " Brusko, Tumango ako at lumingon sa sala kung saan rinig na rinig yung sigaw ng Kapatid ko sa tuwa dahil may kalaro na sya na kaedad nya.
" Sige, Pabababain ko " Sabi ko at pumasok na sa bahay.
" Uy, Bon bon, Tawag ka na ni Kuya mo " Lapit ko kay Bon bon na kasalukuyan palang hinahabol ni Isidro.
" Ayaw, Lalawo pa ami i Bombon " Isidro.
" Bukas na ulit kayo maglaro, Gabi na Baka kunin kayo ng aswang " Pananakot ko sa kapatid ko, Hinatid nalang namin si Bon bon sa Labas ng bahay, Si Brusko naman ang Umakyat para alalayan yung kapatid nyang maliit.
" Babye " Paalam ng dalawang bata sa isa't isa, Pati ako ay nakikaway din, Kinawayan ko din si Brusko na nakatingin sa akin, Kaso bigla itong nag iwas ng tingin at nagsimula na silang bumabang magkapatid.
Nang makababa na sila ay nag angat ng tingin si Brusko, Habang nakaway pa din si Isidro kahit hindi na siya kita pa ni Bon bon, Walang sabi sabing naglakad si Brusko patungo sa bahay nila, Anong nangyari dun??
Pagdating ni Papa at Kuya Ernesto ay sabay sabay kaming kumain, nagkamustahan sa mga kanya kanya naming gawain.
Dumaan ang ilang araw at linggo, Nararamdaman ko na yung hirap ng kursong kinuha ko, May iilan na din akong nakakausap at nakakasabay kumain, Pero may mga grupo talaga sila ng sila sila lang.
Lunch break ng mapagdesisyunan kong bumili ng Tinapay para sa tanghalian ko, Matapos kong makabili ay bumalik ako sa Tabi ng Open court para duon tumambay, Kumagat ako sa tinapay ko at napatingin sa Mga Babaeng nagkukumpulan sa kabilang lamesa.
" Don't follow me " Narinig kong sabi ni Nolen at nahawi yung tumpok ng mga babae, Tsaka siya diretsong nakatingin akin, Hindi ko alam kung ano ang naisip nya at bakit nya napiling umupo sa tabi ko at nilapag nya yung Pagkaing binili nya sa Canteen.
" Nawalan na ako ng gana, Sayo nalang ito " Nolen, Tsaka inusod ang Pagkain palapit sa akin, Lumingon siya sa mga babaeng unti unti ng nalagas sa Inuupuan nya kanina.
" Argghh, Akala ko Impyerno na ang Buhay ko sa Manila mas impyerno pa pala dito " Nolen, Tsaka Inis na Kinamot ang ulo, Lumingon siya sa akin ng hindi ko galawin ang Pagkaing binigay nya.
" Are you deaf? Sabi ko sayo na ito " Nolen.
" Hindi ako natanggap ng Pagkaing galing sa iba, Meron na din akong kinakain " Seryoso kong sabi at hindi natingin sa kanya, Bahagya syang yumuko at lumapit para tingnan ang Tinapay kong may kalahati na tsaka sya nag angat ng tingin.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...