Crush Back Part 4

40 2 0
                                    

Jenmark Moreno POV

Monday ay maaga akong nagising kaya maaga din akong aalis ng bahay ng amo ni Mama kahit may konti pa akong sama na nararamdaman sa katawan ko ay hindi ko nalang iyon  ininda, Mahirap na pinag aaral ako kaya hindi ko dapat ito sayangin.

" Squatter, Sakay na " Napahinto ako sa nagsalita galing sa kotse na nakaparada sa garahe, Lumingon ako at nakita ko si Louie na nakangiti at nakadungaw sa bintana, Umiwas ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

" Uyyy!! Squatter, Sakay na sabi " Sigaw ni Louie habang dahan dahan na nakasunod ang kotse sa akin, kaya ng huminto ako ay huminto din ito, nang lumabas si Louie ay mabilis ang ginawa kong pagtakbo, Kaya nakapagtago ako sa isang sasakyan upang hindi na nga ako nito makita, Mabuti naman at nagdire-diretso ang kotse nila.

Ano bang problema nya? Plano ko na ngang hindi siya pansinin ito naman sya papansin ng papansin, Sumakay na ako ng Jeep na patungo sa school namin, habang nag lalakad ako sa hallway patungo sa classroom ay rinig na rinig ko ang pinag uusapan nila.

Squatter daw ako, Dahil ito kay Louie, Kung hindi nya iyon sinabi kay Dale, Baka payapa pa ang pag aaral ko dito.

Habang naglalakad ako ng payapa dito sa 1st floor ay rinig na rinig ko na naman ang tawanan nila tungkol sa akin, Haystt!! Kung pwede lang talaga magbingi bingihan, Kaya lang yung bulong nila pinaparinig pa.

Nakita ko ang grupo nila Dale ang pasimuno ng pambubully sa akin simula ng sabihin ni Louie na isa akong Squatter.

Parang nung una gustong gusto ako nito sa team nila sa basketball pero ngayon para nalang akong bola na nabutas at hinagis sa kung saan, Nagkatinginan kami mata sa mata at nang mahulaan ko ang gagawin nito ay agad akong tumakbo paakyat, Nang makarating ako sa 3rd floor ay nakita ko si Louie na may bag pa at kasama ang isa pa nitong kaibigan, Nagtago ako sa likod ng pader na kinatatayuan nya kaya nilingon nya ako ng nakakunot ang noo.

Subukan lang nyang sabihin kung nasaan ako, Malalagot sya sa akin, Narinig ko na ang mabilis na paglapit ng mga humahabol sa akin.

" Dale? " Tanong nung lalaking kausap ni Louie.

" Nakita nyo ba yung Squatter na dumaan dito? " Tanong ni Dale, Napapikit ako at hinahanda ang sarili sa pagkadiskubre nila kung saan ako nagtatago.

" Umakyat sa taas " Sabi ni Louie.

" Umakyat sa taas? " Dale.

" Lagot sa atin yun " Sabi naman nung isa pa at agad silang nagtakbuhan paakyat, Nakahinga ako ng maluwag ng masigurado kong wala na sila sa kinaroroonan naming tatlo.

" Ayos ka lang? " Tanong nung lalaki sa akin, Tumango ako at agad nalipat ang tingin kay Louie na nakakunot ang noo.

" Hindi ka ba magpapasalamat sa akin? " Tanong nito, Umayos ako ng tayo tsaka siya hinarap.

" Salamat? Deserve mo bang mapasalamatan? " Maanghang kong tanong dito, Sumama na naman ang tingin nya kaya iniwasan ko sya para makausap yung kasama nya.

Itsura palang kasi nito ay masasabi ko ng matino sya kumpara sa mga kaibigan nya lalo na kay Louie, Ang layo ng ugali nya sa mga ito, Kaya nakakapagtaka na naging kaibigan pa nya sila.

" Ayos lang ako, Salamat hindi mo sinabi kung nasaan ako nagtatago " Nakangiti kong pasasalamat dito, Tumawa ito tsaka itinuro si Louie na masamang nakatingin sa akin, Pakialam ko dyan?

" Hindi ako yung nagligtas sayo, Siya " Sabi nito, Kaya ngumiti pa din ako dito.

" Salamat pa din " Sabi ko dito at agad sumimangot ng magkatinginan kami ni Louie, Bahala sya sa buhay nya.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now