Joven And Jelo Part Two

346 5 0
                                    

Title: Joven And Jelo Part Two
Genre: Sport, Drama

Joven Endrinal POV

Nag daan ang Ilang Linggo at nagtuloy ang panliligaw sa akin ni Jelo, Tuwing may Game kami ay hindi nya ako nakakalimutang asikasuhin, Kaya sino ba namam ako para hindi kiligin?

Huy!! Yung Crush ko lang sya tapos hindi ko naman ineexpect na ikacrush back nya ako, Teka!! Anong meron?

" Vebs " Tawag sa akin ni Ken, Habang nainom ako ng tubig sa Tumbler ko, Agad kong nilunok ang tubig bago sya harapin, Lumapit ito sa akin habang nagpupunas ng pawis.

" Hmm? Bakit? " Tanong ko dito tsaka inilagay ng ayos ang Tumbler sa tabi ng bag ko.

" Sabay tayo bukas, Pumasok ah " Ken, Tumango ako at nagpagpag ng dalawang kamay tsaka tumalon talon, Kalaban namin ngayon sina Jelo syempre kailangan mahasa ang bawat isa sa amin.

Pumila kaming lahat ng magkakatapat sa Net, Iba ang katapat ko at nagulat nalang ako ng bigla itong alisin ni Jelo sa harap ko at pinalipat nya ito sa Pwesto nya talaga.

" Hi, Pogi " Bulong nito, kinunutan ko sya ng noo dahil may sinasabi pa ang Coach namin tapos ito sya nantitrip na naman, Diretso lang ang tingin ko sa Net at inisip na wala sya dun.

" Pst, Pogi, Iba talaga pag pogi hindi na namamansin " Bulong nito, Kaya sinamaan ko sya ng tingin pero ang lalaking ito ay may sanib, Ngumiti sya sa hindi ko malaman na dahilan.

" Whooo, Scary ka naman dyan " natatawa nitong sabi kaya napailng ako, Hay naku!!  Nanlilihaw ba talaga ito sa akin o nantitrip lang??

" Tumigil ka dyan, Bibigwasan kita " Banta ko dito ng pabulong, Lumingon sa akin ang katabi ko kaya ngumiti ako sa kanya para hindi ako mapahiya, Nilakihan ko na naman ng mata si Jelo na wala ng ginawa kundi ngumiti.

Sana all masaya diba??

Matapos naming magpractice ay sabay kaming umuwi, Jelo si Fritz at si Narian, Pero nauna na yung Dalawa dahil magkapit bahay lang naman sila, Kaya ito kami ni Jelo naglalakad sa kahabaan ng eskinita.

" Uy, Galit ka ba? " Siko ni Jelo sa braso ko.

" Hindi " Sagot ko dito.

" Eh, Bakit hindi ka namamansin? " Tanong nito sa akin, Perp umiling lang ako bilang sagot.

" Ayaw mo ba akong kasama? " Tanong nito at sa tono palang nito ay akala mo pinagbagsakan ng langit.

" Bakit mo ba natatanong iyang mga yan? Hindi ako galit, Kasi bakit naman ako magagalit? " Inis kong tanong dito.

" Ewan ko din, Bakit nararamdaman kong galit ka sa akin " Sabi nito, Napahawak ako sa noo ko.

" Hindi nga ako galit, Kaya 'wag mong isipin yan " Mahinahon kkng sabi dito, Tinignan nya ako ng may lungkot sa mga mata nya tapos biglang ngiti, Shutakels!! May sanib talaga ito.

" Date Tayo? " Nakangito nitong yaya sa akin, Umikot ang mata ko pero hindi pa akk tuluyang nakakasagot ay hinila na nya ako sa braso at pinadausdos ang kamay sa kamay ko, Napatingin ako duon at ewan, Napangiti nalang din dahil hindi ko naman akalain na ang tulad nyang lalaking kumilos ay magkakagusto sa akin.

at tatratuhin ako na parang ayaw na nya akong mawala pa, Tulad ng pagyayaya nya, Nagdate kami Pumunta kami sa SM para duon mag gala, Nilibre nya ako sa Mcdo, Naglaro kami ng Basketball sa Arcade, Nagsayaw kami sa Damce machine kahit mukha kaming mga uod na inasinan, Puro tawanan lang ang nangyari at sobrang saya.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now