Louie Estonido POV
Pinagmasdan ko ang mga babaeng nakatayo sa gilid ng basketball court, Tsk!! Hindi na ba sila nagsasawa kakasigaw, Kakaantay na matapos kami sa practice? Hayst!!
Pinasa sa akin ng isa kong kateam ang bola tsaka ko ito ginawan ng paraan para maipasok sa ring, Nice one, Estonido.
Nakakabadtrip pa din talaga ang malamang bukas dito na papasok yung squatter na si Jenmark, Tsk!! 'wag na 'wag lang nyang ipapaalam na magkasama kami sa bahay, Lagot talaga sya sa akin.
" Bro, Nice Game " Tapik ni Dale sa likod ko habang nagsusuot ako ng damit tumango ako dito tsaka sinakbit na ang bag ko sa balikat ko, paglabas ko ay nangunot ang noo ko dahil nakaabang na naman ang mga babae sa labas.
" Excuse, Excuse " Sabi ko sa mga ito tsaka nagsuot ng sumbrero, Mabilis ang ginawa kong pagtakbo makalayo lang sa kanila, Dahil isa akong atleta ay naiwan ko sila.
Dumiretso ako sa Classroom namin naabutan ko duon si Jireh na nagbabasa, Tinabihan ko ito habang hinihingal, Napatigil sya sa pagsusulat.
" Bakit hingal na hingal ka? " Tanong nito sa akin.
" Ano pa nga bang ginawa nya? Edi, Nagpahabol sa mga Chix " Sabi ni Suia.
" Baka akala nila, Ikaw yung inahin " Jireh.
" 'Wag na nga kayong ano dyan, Badtrip na nga sa bahay Badtrip pa dito " Sabi ko.
" Bakit naman Badtrip ka sa bahay nyo? " Suia.
" Wala " Sabi ko dito.
Nang mag uwian ay dumiretso agad ako sa Kotse naming sundo ko tuwing hapon, Sumakay ako sa likod kaya agad akong binati ng driver namin, Hindi ko siya pinansin dahil pumikit agad ako tsaka nagtakip ng sumbrero.
Ginising lang ako nito ng makarating na kami sa bahay, Bumungad ang walang katao taong bahay, dumiretso ako sa kusina at nandun pala ang dalawang katulong, Wala yung Squatter at si Manang Josephine.
" Sir, Kakain na po ba kayo? " Tanong sa akin nung katulong na naghihiwa ng gulay, Umiling ako dito at umalis na din sa kusina, Umakyat ako sa hagdan pero napatigil din dahil narinig ko ang pagdating ng isang kotse, This is the Car my mom always Use kapag papasok sila sa work ni dad or kapag aalis ng bahay para mag out of town, Inabangan ko si Mom na makapasok.
" Maraming salamat talaga, Madam Hindi po namin makakalimutan ng anak ko ang kabaitan nyong pamilya " Narinig kong sabi ni Manang Josephine ngingiti na sana ako kaya lang narinig ko ang boses ni Squatter kaya napasimangot ako, Umalis si mom kasama ang Squatter na yun?
" Oo nga po, Hindi nyo naman po ako kailangan bilhan ng mga gamit pero salamat pa din po, Tatanawin kong utang na loob ito at babawi po ako agad pagtapos ko mag aral " Narinig kong sabi ni Squatter, Bumaba ako ng ilang hakbang para masilip sila, Andaming paperbag na dala ni Squatter pero namilog ang mata ko ng makita ang suot nya.
Nagmadali akong bumaba para lapitan sila, Habang nakatuon ang mata ko sa suot ni Squatter, Pati sapatos ko!!!
" Bakit suot mo yang Damit, Pantalon at Sapatos ko? " Galit kong tanong kay Squatter, Napatingin silang lahat kay Squatter.
" Louie, Binigay ko na kay Jenmark iyan dahil hindi ko naman nakikitang sinusuot mo iyan kapag aalis tayo " Mom.
" Mom, Kahit na That's mine!! Bakit ibibigay mo sa Squatter na yan? " Galit kong turo kay Squatter.
" Louie, Will you stop calling him Squatter, Anak siya ng Nag alaga sayo simula bata, Hindi ka ba nahihiya? " Medyo disappointted na sabi ni Mom, Napalingon ako kay Manang Josephine na nakayuko, Napalunok ako dahil sa kunsensyang pumasok sa utak ko, Napalunok din ako ng tignan ako ng masama ni Squatter.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...