Jay Chan POV
Wala pa sigurong sampu ang naiwan, Bigla syang hinampas ng isang babae sa braso, Pati ako nagreak at napahawak sa braso ko dahil ang lakas nun, Uy!!
" Ahhhh!! Natalie, Ang Sakit " Reklamo ni Yun.
" Bakit pinaalis mo sila?? " Inis na tanong nung Babaeng nanghampas kay Yun, Ang sakit naman nun!!
" Kaysa magsiksikan tayong lahat sa isang Room tapos hindi naman pala talaga Science club ang ipinunta nila dito, Kundi Ako pala " Sabi ni Yun, Kaya Napangisi Ako, Grabe!! Bilang SSG President hindi ko ineexpect na medyo mahangin pala magsalita si Yun, Although Totoo namang sya ang dahilan kung bakit madami ang gustong makasama sya sa Club.
" Meron pa namang natira, Mas mukha pang interesado sa Club " Tinuro kami ni Yun isa isa.
" Oo nga, Ellen Mas okay ng kaunti tayo kasi mamomonitor natin lahat ng club members, Isa pa may limitation din ang members na dapat nating irecruit for one year " Sabi naman nung isa pang may suot na Red bandana sa Braso.
" O, sige " Mukhang naconvince na nila ang Babae kaya lumapit ito sa amin para sabihan kaming umupo na sa unahan na inokupa ng mga umalis kanina, Tinanong niya ang mga pangalan namin isa isa at hinanap sa mga papel at ang mga papel ng mga umalis ay itinapon nila sa basurahan.
" Okay, Next week may Planting activity tayong gaganapin sa Garden ng School, Partner partner sa isang Halaman, You need to grow a plant with your partner, Magtatanim tayo sa Garden at araw araw dapat namomonitor nyo ang pagbabago nito basta after 3 weeks, Kailangan medyo lumago na ang tinanim nyong magpartner, So Find your partner now, Guys " Sabi nito at lumapit sa ibang Club member para makipag usap.
Nagpatingin ako sa mga Bagong member katulad ko, Hindi ako marunong makihalubilo sa iba kaya paano ako magkakaron ng partner nito? Mag individual nalang kaya ako?
" May Partner ka na ba? " Napalingon ako sa Tumabi sa akin, Si Yun pala na prenteng nakaupo sa tabi ko.
" W-wala pa " Sagot ko at muling binilang ang mga bagong members pero kumpleto na sila, Ako lang ang nawalan ng partner, Hayst! Nilingon ko si Yun para sana tanungin kung maaari bang mag individual nalang ako.
" Pwede bang ----- "
" Ako nalang Partner mo? Sige ba, Okay lang " Biglang sabi ni Yun kahit na hindi pa nya naririnig ang sasabihin ko.
Pero ano daw?? Paano nya naman nalamang wala akong partner??
" H-hindi ahh---- "
" Ano ka ba? Okay lang sa akin at tignan mo naman kumpleto na ang magkakapartner, Tayo nalang ang walang Partner " Sabi nito, Nilingon ko ang mga Old and New Members ng club at tama nga sya, Kaming dalawa nalang ang maaaring maging partner.
" Pwede ba yun? " Tanong ko dito.
" Ako pa talaga tinanong mo? President ako ng club " Sabi nito, Napa ahh nalang ako at umupo sa tabi nya ng tahimik.
" So, Anong naiisip mong pwede nating itanim? " Tanong nito sa akin habang binibilog nya ang bondpaper tsaka ihahampas ng mahina sa Arm chair ng inuupuan nya.
" Ahm, Kahit ano ba? Gulay ba prutas or halaman talaga? " Tanong ko dito, Napaisip sya
" Wait lang, Ask ko si Ellen " Sabi nya sa akin, Kaya tumango ako bago sya tumayo para lapitan yung Ellen.
Nakita ko ang Pagtango ni Ellen at pag uusap pa nila ng matagal, Siguro kinoconfirm pa ni Yun ang Pwedeng maitanim naming dalawa, Napaayos ako ng upo nang lingunin ako ni Yun at Nginitian.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...