Kusot
Brusko POV
Ang sakit.
Ang sakit makitang unti unti ng lumalayo sa akin si Chong, Para ko na syang kapatid at malaki talaga ang pasasalamat ko dahil sa pagpapatira nila sa amin dito sa bakuran nila.
Kailan ba ako nagkaroon ng mas malalim pang nararamdaman kay Ace?? Hindi ko din alam basta may pagkakataon na gusto ko lang siya palaging kausap, Gusto ko lagi siyang kasama, Gusto kong kakwentuhan sya sa mga nangyayari sa akin sa eskwela, Pero lahat ng iyon ay nawala ng dumating si Boss Nolen.
Simula ng maging close sila sa isa't isa, Ang sakit kasi hindi na ako ang Kausap palagi ni Chong, Ang sakit kasi Hindi na kami tulad ng dati dahil si Boss Nolen na ang palagi nyang kasama ngayon.
Wala akong balak umamin sa kanya dahil alam kong Hindi din naman ako magkakaron ng Tyansang iparamdam sa kanya yung nararamdaman ko, Simula ng Dalhin nya si Boss Nolen dito.
Parang nagkaron na ng lakas ng loob si Boss Nolen na makatulog dito sa bahay nila Chong, Lalo pa at sa kwarto ni Chong kaya hindi ko maiwasang makapag isip ng mga posibleng mangyari kapag dalawa lang sila.
Ngayon nga ay kakauwi ko lang galing eskwela, Uuwi muna ako sa bahay para magpalit ng Pantrabaho sa kakahuyan kaso nakita ko si Chong at Boss Nolen na naglalaro ng Basketball, Tuwang tuwa sila at halos magyakapan na sila habang nag aagawan ng bola, Nung si Chong ang mag shoshoot ng bola ay iniwasan nya si Boss Nolen kaso si Boss Nolen naman ay Niyakap sya mula sa likod.
Kahit hindi nila aminin, Halatang halata na naman na merong namamagitan sa kanilang dalawa, Hindi ko alam pero basta nasasaktan ako.
Nasasaktan ako dahil wala akong lakas ng loob aminin kay Chong yung nararamdaman ko, Tahimik akong pumasok sa bakuran at hindi sila pinansin pero napansin ako ni Boss Nolen.
" Ohh, Hi Brusko " Kaway ni Boss Nolen sa akin habang nakangiti, Umakbay naman si Chong sa kanya at ngayon parehas na silang nakangiti sa isa't isa.
" Brusko, Sali ka ba?? Kahit dalawa na kayo ni Nolen " Sabi ni Chong, Agad akong umiling.
" Hindi ka ba papasok sa kakahuyan, Chong? " Tanong ko dito, Agad nawala ang ngiti nila parehas.
" Ahh, Pinaalam ako ni Nolen may Ginagawa kaming project para sa School " Chong, Tumango ako at iniwan na sila duon, Dumiretso ako sa kwarto tsaka nag palit na ng damit, Paglabas ko ay hindi ko na sila pinansin pa, Kahit ilang beses akong tinawag ni Chong sa pangalan ko.
Hindi ko kayang makita silang nagkakamabutihan at habang ako ito, Naglalakad lang sa kalsada ng wala sa sarili, Pagdating sa kakahuyan ay ginawa ko ang trabaho ko.
Nagbuhat ako, Nagputol at nagkiskis ng kahoy, Nang magpauwi na si Boss Adonis ay tsaka naman ako kinausap nila Manong.
" Hoy, Brusko Nasaan si Ace?? " Tanong ni Manong sa akin.
" Hindi ko alam " Seryoso kong sagot dito.
" Anong hindi mo alam?? Magkapitbahay na kayo diba?? Duon ka na nakatira sa lupa nila, Tsaka Magkaibigan kayo, Pinaglololoko mo ba ako " Sabi ni Manong kaya nangunot ang noo ko.
" Hindi ko nga kasi alam " Walang gana kong sagot dito.
" Ahh, Siguro magkasama na naman sila ng anak ni Boss Adonis, Ayos din talaga humanap ng taong sisipsipan si Ace, Hahahaha Sa anak pa talaga ng amo natin?! Diba?? Tama ba ako? " Nakangising sabi ni Chong kaya napailing ako at naikuyom ang kamao ko.
" Bakit hindi si Chong yung tanungin nyo?? " Tanong ko dito, Yung ngisi ni Manong ay nawala umangat ang kamay nya tsaka ako dinuro.
" Hoy, bata Hindi mo na yata alam kung paano rumespeto ng mas matanda sayo?? " Sabi ni Manong.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...