Love, Hold Me Part 4

63 4 0
                                    

Jay Chan POV

After ng Two Subjects ay hinanap namin si Bryce, Wala sya sa Canteen, wala sya sa kahit saan kaya dumalaw ako sa SSG Office nagbabaka sakaling matulungan nila akong hanapin si Bryce.

" Oh, Napabisita ka Jay? " Bungad ni Yun sa akin, Agad ko syang nilapitan.

" Ahh, Good Morning Yun " Bati ko kay Yun na kasalukuyang may binabasang Papel, Ibinaba nya muna ito sa lamesa para maharap ako ng ayos.

" Pasok ka muna " Yun, Kaya tuluyan na akong lumapit sa kanya dahil sa permiso nya, Humingi naman ako ng paumanhin sa mga nadaanan kong officers katulad ni Yun.

" Anong meron? " Yun.

" Manghihingi sana ako ng tulong, Yun " Sabi ko dito.

" Ano bang klaseng tulong? " Yun.

" Pwedeng patulong mahanap si Bryce? " Pakiusap ko dito.

" Bakit? Anong nangyari? " Tanong nito.

" Lumabas kasi siya bago mag start ang Klase namin, Hanggang ngayon hindi pa siya nabalik " Sabi ko dito.

" Sige, Duon tayo sa Broadcasting club " Sabi nito, tumango ako at sumunod sa kanyang tahakin ang Broadcasting room, Kasalukuyang nag aannounce ang estudyanteng nasa loob.

" Excuse me, Pwede bang makita ang CCTV? " Tanong ni Yun sa president ng club.

" Bakit?? Bawal kasing pumasok sa CCTV room " Sabi nung president ng Club.

" Kailangan lang kasi " Yun, mukhang naawa naman yung President ng club, Si Yun lang ang pinapasok nya kaya naghintay ako sa labas at pinagmasdan kung gaano kadedicated ang mga estudyanteng mag announce dito sa broadcasting room.

" Halika, Nakita ko na kung nasaan si Bryce " Sabi nito, Gumaan naman ang pakiramdam ko sa balita nya.

" Talaga? " Tanong ko dito.

" Oo, Nasa Rooftop sya " Sabi nito, Nang marinig ko iyon ay tumakbo agad ako, Please! 'Wag naman sanang mangyari ang naiisip ko.

Sinabi ni Yun kung saang building ng rooftop naroroon si Bryce, Halos hindi na din makahabol sa akin si Yun dahil sa bilis ko tumakbo, Pagdating sa pinto ay napahinto ako, Nakita ko ang nakasandal na si Mirasol sa pader.

" Mirasol? " Tawag ko dito, Nag angat naman sya ng tingin sa akin.

" Nasa Loob sya " Sabi nito sa akin.

" Bakit hindi mo sinamahan? " Tanong ko dito, Ngumisi sya.

" Kasama nya si Ar-Ar " Sabi nito.

" Si Ar-Ar? " Tanong ni Yun ng makahabol siya sa akin, Tumango si Mirasol at bumaba para makalapit sa amin.

" 'Wag nyo na muna silang istorbohin " Sabi nito at umalis na sa Harap namin.

Nagkatinginan kami ni Yun.

Bryce Cabahug POV

Napakamot ako sa Ulo ko dahil sa Inis, Walangyang Andrew yun!! Ang lakas ng tama, Ang lakas palagi mang asar, Palibhasa wala syang alam sa nangyari sa akin at ayoko din itong sabihin sa kanila, Sapat nang si Jay na muna ang nakakaalam.

" Anong ginagawa mo dito? Nagsisimula na ang klase ah " Agad akong napatayo ng may magsalita sa likod ko, Si Ar-Ar pala ito, Oh my gad!! Sinusundan nya ba ako??

" Ha? " Tanong ko dito, Ngumisi siya at umupo sa tabi ko, Nag angat sya ng tingin sa akin at pinagpagan ang Sahig na inuupuan ko bago siya dumating.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now