Jay Chan POV
Kinabukasan ay hinatid na naman ako ni Papa at may nakakita nuon si Bryce, Agad ako nitong nilapitan ng nakangiti, Pero pansin ko sa mukha nya ang pamumula ng Pisngi nya, Nang mapansin nyang nakatingin ako duon ay tinakpan nya ito ng kamay nya.
" Good Morning " Sabi nito, Tinuro ko ang pisngi nya.
" Wala ito, Masakit lang ang ngipin ko " Sabi ni Bryce, Tumango ako kaya umakbay sya agad sa akin para sabay kaming pumasok sa School at kung sineswerte ka nga naman, Hinarangan na naman kami ng magtotropang Toyoin.
" Uyyy, Balitang Balita sa Radyong Sira Dalawang Bading nagsama " Nang aasar na sabi nung isa.
" Ha? Anong brand ng Radyo nyo? sira na nakapagbalita pa " Nang aasar din naman na tanong ni Bryce dito.
" Aba!! Ibang klase naman pala sumagot itong si Cabahug, Baklang Bakla " Sabi naman nung napaguidance last week dahil nang bully sa Canteen.
" Oh, talaga! Akala ko naman ako lang ang bakla dito, Pati pala ikaw " Turo ni Bryce at naalerto ako ng bigla nitong kwelyuham si Bryce at iangat ng konti sa ere.
" Pre, Pre " Awat ko dito at nagulat ako ng lumipat ang kamay nya sa kwelyo ko, Putaena!!
" Hoy!! Ang Sama talaga ng ugali mong toyoin ka, Bitawan mo nga sya " Bryce at kinagat nito ang kamay ni Toyoin kaya napabitaw ito sa kwelyo ko at tatakbo na sana kami kaya lang nahuli nila si Bryce.
" Hoyyyy!!! " Sigaw ng estudyante at may lumapit sa kanila, Para matulungan si Bryce na ilayo sa mga Bully.
" Vice Pres, Hehehehe! Nag lalaro lang kami " Sabi ni Toyoin ng nakangiti at nilingon pa ang mga kasama para magsinungaling.
" Anong naglalaro? Gago ka ba? Sinong makikipaglaro sayo ng kwelyo kwelyuhan? Sayo ko kaya gawin yun, Matutuwa ka? " Reklamo ni Bryce at talagang tumapang ito, Dahil pinipigilan sya nung Vice President.
" Ahh! Ahh!! " Reklamo nung Toyoin ng Sakalin siya ni Bryce.
" Tama na, Cabahug " Sabi nung Vice President.
" Hindi, Nakakalalaki na eh, Ano?? Ha?? Ngayon para kang lata na natumba sa tumbang presyo? Ano? Lumaban ka " Bryce at dahil hindi ito mapigilan ay niyakap sya nung Vice President at sinasabi kong nakangiti si Bryce habang nagsasalita kaya takang taka ang mga Kaaway nito.
" Pst, Hoy Chan kunin mo nga itong kaibigan mo " Biglang sabi sa akin ni Vice President, Itatanong ko sana pano nya nalaman ang apelyido ko, Naalala kong hinanap pala ako kahapon ni Yun.
" Okay na ako " Sabi ni Bryce at siya na mismo ang bumitaw sa yakap ni Vice President, Lumapit ito sa akin habang yung mga Bully ay pinagsasabihan ng SSG Officer.
" Oh my gad, Nakita mo? Niyakap nya ako, Ante " Kinikilig na bulong sa akin ni Bryce kaya ngumiti ako.
" Oo, Kitang kita ko kalandian mo " Sabi ko dito, Napatakip naman sya sa Bibig nya at nilingon ako.
" Hala, Halata ba ako Ante? " Tanong nito.
" Halatang halata, Nakita pa ng mga Toyoin " Sabi ko dito at tinuro ang mga Bully.
" Tss, Hayaan mo sila, 'di kasi sila mahal ng Mama nila " Sabi nito, Kaya napailing ako, Nilingon kami nung Vice President at tsaka kami sinenyasang lumapit sa kanila, Nauna si Bryce at tumabi dito na kunwari ay natatakot.
" Winarningan ko na sila at kapag Nangyari na naman ito, 'wag kayong magdalawang isip na magsumbong sa mga SSG OFFICERS, Hindi pwedeng iisantabi lang ang mga ganitong pangyayari " Sabi sa amin ng Vice President.

YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...