Love, Hold Me Part 6

31 3 0
                                    

Bryce Cabahug POV

Nang Hapon ay ipinatawag kaming dalawa ni Ar-Ar sa Principals Office at tinanggi lahat ni Ar-Ar ang mga kwento ko na totoo, Tinanggi nya lahat at lumabas na ako ang may kasalanan ng mga nangyayari ngayon kaya grabe ang tingin na ipinupukol sa akin ni Dad dito sa loob ng kotse.

Alam kong pag uwi namin sa bahay duon nya ako sasaktan, Duon ko na naman mararanasan ang impyerno, Hindi nga ako nagkamali dahil sunod sunod na sampal ang natamo ko pagkapasok namin sa Bahay at hinila nya ako sa damit ko habang umiiyak at paulit ulit na sinasabi ang Sorry na kahit kailan ay hindi niya tinatanggap.

" Tignan mo kung anong ginawa ng bakla mong anak!! " Sigaw ni Dad at hinagis nito ang cellphone kay Mom, Umiyak naman ako ng sobra ng tignan ako ni mom ng mapanghusga, Ak-Akala ko ba kakampi ko siya?? Bakit ganyan na siya tumingin sa akin ngayon??

" Puro kahihiyan nalang ba ang maiaambag mo sa buhay ko, Bryce ha?? Kailan ka ba titino?! kailan ba sasagi sa isip mo na oras na para magtino ka, Kung ipagpapatuloy mo ang pagiging baliko mo, Sinasabi ko sayo mas mabuting mawala ka nalang sa buhay ko!!! " Sigaw ni Dad kaya mas lalo akong umiyak at dinibdib lahat ng masasakit na sinabi nya, Hindi lang iyon hinampas nya din ako ng hinampas sa Hita kaya hindi mawala ang sakit sa puso ko.

Kaibigan.....

Kailangan ko ng kaibigan.....

Hindi ako nakatulog ng gabi dahil sa sakit na natamo ko, Ramdam ko pa ang pasa dito kaya bawat galaw ko ay mapapadaing ako sa sakit, Dahan dahan akong lumakad patungo sa CR at tinignan ang sarili ko, May pasa lang naman ako sa pisngi at sa mata, Hinaplos ko ang mga ito sabay ngiti, Sino pa ba ang tatanggap sa akin??

Ang akala ko ay nailuha ko na lahat kanina habang binubugbog ako ng lalaking mayaman at nakilala sa pagiging madiskarte nya sa negosyo pero ang hindi alam ng nakakarami ay may anak syang ganito.

Unti unting nanginig ang nakangiti kong labi kaya nakagat ko ito at napayuko, Pumikit ako at sunod sunod na luha ang lumandas duon, Kaibigan!!!! Bigyan nyo ako ng kaibigan.....

Pabagsak akong umupo sa sahig ng cr ko at paulit ulit na sinusuntok ang hita ko kahit pa namamaga na ito, Para saan pa ang pagpapagaling nito kung bubugbogin lang din naman ako ng Tatay ko?? Tatay kong perpekto??

Sa sobrang Perpekto nya ay nasasaktan na nya ako at inaasam pa nya na sana mawala na lang ako.

Kapag nawala ba ako?? Magiging masaya ba sya?? K-kapag nawala ba ako magiging okay pa ba ako?? Magiging ayos ba ang lahat kapag nawala ako?? hindi na ba makakaramdaman ng kahihiyan si Dad kapag tinupad ko ang gusto nyang mangyari??

Ang mawala ako??

Agad akong tumayo at nakita ang isang blade sa lababo, Kinuha ko ito at muling umupo, Ngumiti ulit ako at pinaulit ulit sa isip ang gustong mangyari ni Dad, Mawala ako.

Ito naman yung gusto nya eh, Ang Mawala ako.

Itinapat ko ang Blade sa Palapulsuhan ko at dumikit lamang ang patalim nito ay nanginig agad ako sa nakita kong dugo, Kaya naitapon ko iyon palayo.

Hindi ko kaya!!!!

Hindi ko kaya!!!!

Paulit ulit kong naririnig ang Salitang mawala ka na at boses lang ni Dad ang naririnig ko, Mga Tingin ng mga Kaklase kong mapanghusga at ang pagtataboy din sa akin ni Ar-Ar.

Please!! pleaseee!! Hindi ko alam pero kinuha ko ulit ang Blade at wala sa sariling hiniwa ang palpulsuhan ko, Ilang beses ko pa itong hiniwa ng paulit ulit at agad kinuha ang Cellphone ko para picturan ito, I hate blood pero ng makitang galing ito sa katawan ko ay parang namanhid ako.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now