Love, Hold Me Part 9

38 1 0
                                    

Jay Chan POV

Dumating ang Pagkain namin at halos mamangha ako ng may kasama pang kandila ang pagkain, Tapos isang wine, Bago kami iwan ng babae ay sinindihan nya muna ang dalawnag kandila na nakatayo sa candle stand.

" Dial lang po kayo kapag may kailangan pa kayo, Sir " Sabi nito at pinaglipat lipat ang tingin sa amin sabay ngiti na parang kinikilig, Si Yun ang nagdouble lock ng pinto at niyaya na ako nitong maupo, Magkaharap kami kaya hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya lalo na ngayon wala syang suot na salamin.

Mas kitang kita kung gaano kagwapo yung mukha nya, tumingin sya sa akin at agad umusod sa tabi ko para magkatabi kaming kumain, Sinubuan nya ako ng pagkain nya kaya ginaya ko siya, Hanggang sa salinan nya ng wine yung mga baso namin.

" Baka malasing tayo dito? " Tanong ko dito, Agad syang umiling tsaka kinuha ang Wine para basahin kung ilang alcohol lang ang meron dito.

Pero sa Huli ay ininom ko pa din habang nakatingin kay Yun, Nakatingin din pala sya sa akin kaya agad akong umiwas.

" Bakit ka nakatitig? " Nang aasar nitong tanong at naramdaman ko ang pag akbay ng Braso nya sa Sandalan ng upuan ko kaya kumain nalang ulit ako habang ginawang tubig ang Wine.

" Sinong tititig sayo? " Tanong ko dito.

" Ikaw " Sagot nito.

" Bakit naman kita tititigan?? " Tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya.

" Ewan ko " Sabi nya kaya nilingon ko sya, Kinuha nya ang Wine glass nya at inalok akong makipagcheers sa kanya.

Habang nagkukwentuhan ay nakalahati na pala namin yung wine, Pero wala pa namang tama puro tawanan lang kami at kwentuhan ng mga nangyayari sa amin na hindi pa namin naikukwento sa ibang tao bukod sa aming dalawa lang.

Umayos ng upo si Yun at inexercise nya yung leeg nya paikot para mawala ang sakit, Nagkatinginan na naman kami, Ang Sexy lang kasi nya tingnan.

" I'm sleepy " Sabi nito.

" Matulog ka " Sabi ko dito at agad nilingon ang kama na sobrang lambot, Naramdaman ko kasi umupo ako kanina.

" Teka, Magtatagal ba tayo dito? " Tanong ko sa kanya.

" Pag natuyo na yung Suot natin, Gusto mo bang umuwi ng nakaBathrobe lang? " Yun, Loko din talaga minsan sumagot itong SSG President ng school namin eh.

Uminom ulit ako sa wine ko, sunod ay pinatong ni yun ang Gilid ng ulo nya sa Balikat ko, Nang silipin ko ang mukha nya ay mukhang nakatulog na, Paano kaya itong Wine??

" Yun, Humiga ka nalang sa kama Sasakit lang leeg mo kapag dito ka natulog " Payo ko sa kanya pero hindi nya ako pinakinggan, Umiling pa sya kaya hinawakan ko ang ulo nya para magkaharap kami ng ayos.

" Hmmm!! " Reklamo nito at labi na nya ang nakasandal sa Balikat ko, Uminom ulit ako ng wine dahil kay Yun, Lumipat ang kamay nya sa kamay kong nakahawak sa Wine glass, Bumitaw ako kaya dinala ni Yun ang palad ko sa Pisngi ko para iharap ako kung saan kami magkakaharap, Sa gilid ko, Nakamulat na sya ng mata at parang wala ng tama ng wine, Iiwas sana ako dahil alam ko yung ganun.

Ilang beses ko na bang nakikita at naririnig si Tatay na gawin iyon kasama ang iba't ibang lalaki?? kaya hindi na ako inosente pa sa mga Pahiwatig ng mga hawak at tingin nya.

" Yun... " Tawag ko dito, Umayos sya ng upo at mas lumapit sa akin para maingat na magdampi ang mga labi namin, Sa una ay dahan dahan lang pero si Yun ang laging gumagalaw sumusunod lang ako, Tempo ng init na unti unti nyang nilalagay sa mga katawan namin, Yung kamay nya ay bumaba sa suot kong Bathrobe kaya napabitaw ako sa halik.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now