Jay Chan POV
Hinila ko sa Garden si Yun para bisitahin namin ang Sun flower na halos mas mataas na sa amin, Nagkatinginan kami ni Yun sa isa't isa at napangiti.
Parang kailan lang dinidiligin lang namin siya para mas mabilis ang paglaki nya ngayon parang kahit walang dilig dilig kaya na nyang mag isa.
" Ang Laki na ng Anak natin " Yun, Tumawa ako, Lumapit sya sa Sun flower at hinaplos ang mga Petals nito.
" Sa tingin mo kanino sya nagmana?? " Tanong sa akin ni Yun, Nagkibit balikat ako dahil kanino ba magmamana ang Sun Flower na ito wala naman siyang magulang.
" Sa tingin ko sakin Kasi ang tangkad nya eh, Oh! tignan mo " Yun, Sabay itinaas ang kamay sinamaan ko siya ng tingin, Matangkad din naman ako, Mas matangkad lang sya, Mas sumama ang tingin ko sa kanya ng itapat nya sa Ulo ko ang Kamay nya na parang sinusukat ako, Inis kong tinapik ang kamay nya paalis sakin, Kaya tumawa na naman sya.
" 5 and a Half Footer ako " Sabi ko dito.
" Maliit pa din sa 6 footer " Sabi nito.
" Hoy, Konti lang agwat oh " Tumingkayad ako at nagpantay na kaming dalawa, Nilakihan ko sya ng mata at nang muntik akong mawalan ng balanse ay napahawak ako sa toga nya sa parteng balikat.
Umiling siya na parang sinasabing 'wag ko na ulit iyon gawin, dahil hindi talaga kaya, inayos ko ang sarili ko at nilingon ang Sun Flower.
" Bakit mo ako dinala dito? " Tanong nito, Habang nakasunod ang tingin sa mga susunod kong gagawin, Tiningnan ko muna siya ng mataman bago dumukot sa bulsa ko, Inilabas ko ang Envelope na nilalagyan ng Tinahi kong tela na may buong pangalan ko.
" Ano ito? " Nagtataka nyang tanong pero kinuha pa din nya ito sa palad ko at napangiti ng mabasa nya ang nakasulat.
" Ginawa mo? " Tanong nya, Tumango ako, Nang magkaayos kami ni Tatay ay nagpaturo ako sa kanya na magtahi ng pangalan sa Tela.
Pinagpuyatan ko pa iyan ng halos tatlong araw, Para lang maayos ang kalalabasan.
" Gumawa din ako ng para sa akin " Ipinakita ko sa kanya ang isa pang Tela na nasa kamay ko, Nandun ang Buong pangalan nya.
" Wow, Ang galing and ....... Ang sweet " Sabi nito at hinalikan ang kamaong kinalalagyan ng Tela na may pangalan ko.
" Farewell gift ba ito? " Tanong nya sa akin, Ngumiti ako dahil tama sya, Nawala ang saya sa mga mata nya.
" Aalis ka? " Tanong nito, Ngumiti ako ng malungkot at tumango.
" Saan? Saan kayo pupunta? " Tanong nya, Nagkibit balikat ako.
" Sa Maynila, May trabaho kasing nahanap si Tatay duon mas matino at ibebenta na daw nya yung tricycle para may pera kaming pang gastos habang nag aaral ako at habang hindi pa sya nakakasahod " Paliwanag ko dito, Kumunot ang noo nya at agad akong nilapitan para yakapin.
" Hindi ba pwedeng dito ka nalang din mag aral? Tutulungan kita " Yun, Umiling ako sa alok nya.
" Kaming dalawa nalang ni Tatay sa buhay kaya ayoko syang iwan mag isa, Kahit naman ganun sya ay mahal na mahal ko pa din siya, Kaya sana Maintindihan mo ko " Sabi ko dito at mas hinigpitan ang yakap namin sa isa't isa napapikit pa ako.
" Kaya ba binigyan mo ako nito, Kasi hindi mo sigurado kung makakabalik ka pa dito? " Malungkot na tanong ni Yun, Tumango ako.
" Edi, Ako ang pupunta sayo " Sabi nya, Sabay kaming dalawa bumitaw sa yakap.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...