Title: Joven and Jelo Part Five
Genre: Sport, DramaAnjelo Marasigan POV
Nakyutan ako sa bata kasi mukhang taga dito sya at trabaho na nya ang mamigay ng Bulaklak, Kinuha naman ni Joven ang bulaklak na inaabit nito.
" Ay, Boy Salamat magkano ito? " Tanong ni Joven at inamoy ang rosas, Umiling ang batang lalaki at may itinuro sa kung saan, Sabay kaming lumingon ni Joven duon at lumaway si Taj na kasama ang mga tropa nyang nag pipicture sa likod, Tumango si Joven at agad lumingon sa bata.
" Salamat kamo " Joven, Yung ngiti ko kanina sa bata ay agad sumama, Pwede bang manipa ng bata? Isa lang, hindi naman ako masakit manipa, Aabot lang sya sa Moon.
" Tsk " Reklamo ko at stress na nagkamot ng ulo, Perfect na sana kanina eh.
Ang Lambing na namin sa isa't isa tapos eepal na naman si Taj, Arghh!! taj naman!!
" Jelo, Oh " Nilingon ko si Joven ng abutan din nya ako ng bulaklak, Tinignan ko siya na may panghuhusga.
" Ito yung galing kay Taj, Ito para sayo " Sabi nito sabay abot ng pulang rosas.
" Bakit mo ako binibigyan nyan? Hindi ako babae " Inis kong sabi dito, Yung ngiti naman nya ay tila nawala rin sa pagsusungit ko sa kanya.
" Hindi lang naman babae ang binibigyan nito " Malungkot na sabi ni Joven, Umiwas ako ng tingin, Tang inang Taj talaga yan!! Ang galing na
ng mang epal! Ang galing pang mang badtrip, Ayan tuloy!! Naibubuntong ko yung inis ko kay Joven." Itapon mo nalang kung ayaw mo " Joven sabay kuha ng kamay ko at pagalit nyang inipit sa kamay ko ang bulaklak na may tinik, Tsaka ko lang iyon narealize ng makita kong dumudugo yung kamay ko.
Ito ba yung kapalit ng pagsusungit ko?? Jusko naman!!
" Joven " Habol ko kay Joven, Tumigil naman sya sa paglalakad palayo sa akin, Tsk!! Ano ba, Jelo? Ngayon ka pa ba aatras?? Sabihin mo na!! kausap ko sa sarili kong natotorpe.
" Ano?? " Joven, Habang nakatalikod mula sa akin, Perfect na sana ang lahat, Yung lugar, Yung kaming dalawa lang tapos yung tanong ko at sagot nya.
" Sorry " Sabi ko dito.
" Sige " tila walang gana nitong sagot sa akin, Lalakad na naman sya kaya hinawakan ko ang kamay nya.
" Uyy, Sorry " Sabi ko dito at hinarap sya sa akin pero sa iba sya nakatingin.
" Bakit ka nagsosorry? " Joven.
" Sorry kasi nagsusungit na naman ako " Pag amin ko dito.
" Bakit ka ba nagsusungit? Siguro ito yung way mo para lumayo ako sayo, Alam mo pwede mo namang sabihin sa akin Jelo, Tatanggapin ko naman kung gusto mo ng tumigil sa panliligaw " Joven.
" Ha?? Anong titigil sa panliligaw?? Gusto na nga kitang tanungin kung pwede mo na akong sagutin " Sabi ko dito.
" Paano kita sasagutin kung palagi tayong ganito? Lagi tayong nag aaway " Joven, Hindi ako nakasagot agad kasi hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya.
" Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi mo ba pwedeng sabihin muna sa akin yung problema, para mapag usapan natin? Ayoko din naman na magagalit din ako ng hindi ko alam ang dahilan mo " Joven, Nakagat ko ang dila ko tama naman sya, Nasanay kasi akong walang napagsasabihan na ibang tao, Tungkol sa nga ganitong bagay, palagi kong sinasarili ang mga iyon, Kasi mawawala din naman iyon.
" Eh---- Ano " ako.
" Ano?? " Joven.
" Sabihin mo yung dahilan, Jelo " Joven.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...