Crush Back Part 1

99 4 0
                                    

Lil-ian1432 Request mo, Bhe Here na😘

Jenmark Moreno POV

Pinagmasdan ko ang lugar naming nilalamon ng apoy ang nga kabahayan, Rinig na rinig ko ang Iyakan, Sigawan at pagkakataranta kung ano na ang mangyayari sa buhay ng bawat pamilyang naapektuhan ng malaking sunog na ito.

Kaninang alas syete lang ay nanunuod lang ako ng The Voice Generation dahil abang na abang ako sa kagwapuhan ni Coach Stell, Naiimagine ko pa na paano kaya kung sumali ako sa The Voice Generation? Matanggap kaya ako? Ikutan kaya ako ni Stell? Manalo kaya ako? Siguro hindi din, Dahil sa dami ng magagaling na nag audition sa GMA baka ako yung pinakamababa ang tyansang manalo.

Bakit nga ba napunta kay Stell ang usapan, Tupok na tupok ng apoy yung mga kabahayan pero kalandian pa din ang inaatupag ko.

Mabuti at mag isa lang ako sa bahay na inuupahan namin sa looban ng squatter area na ito, Wala si Mama nasa Trabaho nya, Isa syang Kasambahay ng mayamang pamilya sa Green Hills, Kaya halos hindi na din siya nakakauwi dito dahil malayo ang lugar namin sa Green Hills.

Ayun nga, Nanunuod ako ng TV ng biglang may pumutok sa hindi kalayuan, Kaya sa curious at kabang naramdaman ko ay lumabas ako ng bahay para tignan kung ano yun, Nakita ko ang Apoy na may kalapitan sa amin, Kaya nag panic ako.

" SUNOG!!!! " Sigaw ng mga kalalakihan.

Agad akong pumasok sa bahay para sana magsalba ng mga gamit pero isang bag lang ang nadala ko, Tumakbo agad ako palabas ng Kalsada dahil sigaw na ng sigaw ang mga Kapitbahay naming marites, Binaba ko ang Bag ko sa isang gilid at Papasok sana ulit kaya lang pinigilan na ako ng mga nakabantay, Mga nagtutulungan na mag saboy ng tubig sa looban para maapula ang apoy pero hindi ito nangyari, Sunod sunod na pagsabog ang nangyari kaya mas lumawak pa ang Sunog.

Siguro kung nasa loob pa ako ng bahay ay tustado na ako, Nagpapasalamat ako at nakalabas agad ako, Nagtext ako kay Mama na may sunog dito sa amin at damay kami, Nilingon ko ang Bag ko sa gilid para isabit sa balikat ko.

" Si Mangge!! " Gulat kong sabi at agad sinigaw ang pangalan ng Pusa kong si Mangge, Jusko! Yung pusa ko!!

" Meow! " Agad kong nilapitan ang Pusang tumatakbo palabas ng Kalsada at iyon si Mangge, Binuhat ko ito para mailayo sa apoy.

" Meow! " Takot na takot itong yumakap sa akin at nakasubsob pa sa dibdib ko na tila ayaw makita ang nangyayari sa lugar namin.

" Sorry, Mangge! Hindi kita naalala mabuti at nakalabas ka, Saan ka ba kasi nagsususuot? Nasa ilalim ka na naman siguro ng papag nagtatambay kaya hindi kita mahanap kanina " Sermon ko dito at niyakap siya ng mahigpit, Tsaka sunod sunod na hinalikan para mawala na yung pangamba ko.

" Yung Anak koo!! Waaaahhh! Tulungan nyo yung anak koo!!! " Sigaw ng isa naming kapit bahay na halos atakihin na sa puso kakaiyak at kakaisip sa anak nyang nasa looban pa.

*Ring.Ring*

Agad kong sinagot ang tawag ni Mama sa Cellphone ko na 'di keypad, My Phone Brand pa yan.

" Ma " Bungad ko dito.

" Jen!! Ayos ka lang ba?? Bakit nagkasunog Dyan sa atin?? " Naghihisterikal na tanong ni Mama.

" Ma, Ayos lang ako, Ayos lang kami ni Mangge, Nandito kami sa kalsada, Wala pa yung mga bumbero kaya nagtutulungan yung mga kapitbahay natin na mag igib ng tubig para maapula yung apoy " Pahayag ko dito.

" Pupunta na ako, Jusko!! " Mama.

" Sige po, Hintayin kita Ma " Sabi ko dito at tinulungan ang matandang naglalakad para makaupo sa side walk, Ubo ito ng ubo dahil sa dami ng usok na naamoy siguro.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now