Cruch Back Part 14

56 1 0
                                    

Louie Estonido POV

Hinimas ko lang ito ng ilang beses tsaka kinatok na ang pinto ni Jen, Tumahol tahol si Radang at nang pihitin ko ang doorknob ay bumukas agad ito, Nakahiga sa kama nya yung pusa nya na agad ding nagising ng makita si Radang, Nag unat lang ito tsaka inantay si Radang na lumapit sa kanya para kalmot kalmotin sa ilong.

Hinila ko si Radang palabas dahil gusto nyang makaganti sa pusa, Agad kong sinarado ang pinto dahil wala naman duon si Jen, Naabutan ko si Manang Josephine na nag aayos ng pinamili nya sa Ref.

" Manang " Lapit ko dito, Napahinto siya sa paglalagay ng gulay.

" Sir " Nakangiti nitong tawag sa akin.

" Si Jenmark po, Manang? " Tanong ko dito.

" Ay, Hindi ba nagsabi sayo? may Kumontak sa kanyang customer, Nasa Gym sya ngayon " Manang Josephine.

" Saan pong Gym yun? " Tanong ko dito.

" Ay alam ni Jose yun, Magpahatid ka nalang duon " Sabi ni Manang Josephine kaya tumango ako.

" Salamat po " Sabi ko dito tsaka lumabas na ng bahay para maabutan ko si Kuya Jose na nagpupunas ng sasakyan.

" Kuya " Tawag ko dito.

" Ay, Sir Gandang Hapon po " nakangiti nitong bati sa akin.

" Kuya, Alam nyo po ba yung Gym na pinagtatrabahuhan ni Jenmark? " Tanong ko dito.

" Ayy, Opo Pupunta po ba kayo dun, Sir? " Sagot sa akin ni Kuya Jose, Agad akong tumango.

" Lika na, Sir ihahatid kita duon " Sabi ni kuya Jose tsaka ako pinagbuksan ng pinto para pumasok.

Nang makaalis kami sa bahay ay kinakabahan ako, Hindi sa wala akong tiwala kay Jen pero madaming lalaki dun, Paano kung may magkagusto sa kanya? Huminto ang Kotse namin sa isang malaking building, Sa second floor ay may Gym halatang mamahalin, Sa pagkakaalala ko dito nag Gygym ang mga kaibigan ko.

Sana lang wala sila.

" Akyat lang kayo, Sir " Sabi ni kuya Jose, Kaya sinunod ko ang sinabi nya, Pumasok ako sa door at bumungad ang isang lalaki na may malaking katawan na siguradong alagang gym, Napansin ko kaagad si Jen na nakabantay sa isang nag pupush up, Yumuko si Jen para iluhod ang isang tuhod para matulungan ang lalaking iyon, Eerrr!!

" Excuse me " Sabi ko sa Lalaki.

" Yes, Sir? " Tanong nito sa akin.

" Ahh, Pwedeng makuha ko yung Instructor na yun? " Turo ko kay Jen.

" Ah, May Customer pa po siya gusto nyo po ako nalang or kung okay lang po sa inyo mag iintay kayo pag tapos ng customer nya, Nag bayad na po kasi " Sabi nung lalaki.

" Magbabayad din ako " Sabi dito, Ngumiti ito ng awkward sa akin, Ayaw pa nya? Magbabayad ako.

" Sorry, Sir hindi kasi pwede yung singit, First come first serve po, Kung nag paappointment po kayo sa Fb page namin, Mairereserve namin sya sa inyo pero ngayon po, Hindi po talaga pwede " Nanghihingi ng tawad nitong sabi, Tskk!!

" Okay, Mag iintay nalang ako " Sabi ko dito kesa naman siya yung piliin ko eh si Jen yung gusto ko.

" Okay lang po ba na susunod nalang po kayo kay Sir Jireh " Sabi nung lalaki, Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, Itinuro nito ang isang tabi at nakita ko si Jireh na nag cecellphone at mukhang pawis na pawis.

" No way " Sagot ko dito, Nag angat ng tingin sa akin si Jireh at katulad ko ay mukhang hindi din ito makapaniwala na nakita ako sa lugar na ito.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now