Jenmark Moreno POV
Nakarating kami sa kwarto nya, Tsaka ako nito pinaupo sa kama, Umalis lang siya saglit pero pagbalik nya ay may dala na syang maliit na bag at bimpo na basa, Umupo sya sa tabi ko tsaka ako hinawakan sa batok.
Sunod ay nginudngod yung mukha ko sa Bimpo, Inis kong hinawakan ang kamay nyang may hawak sa bimpo para mailayo ang mukha ko duon.
" Nang iinis ka ba? " Tanong ko dito.
" Pumikit ka nalang " Sabi nito at nginudngod ulit ang mukha ko, Pumikit ako habang pinupunasan nya ng maigi ang mukha ko, Sunod ay ang Leeg ko sunod ay itataas nya sana ang damit ko kaya mabilis ko itong hinarangan.
" Wala ka na bang sugat sa katawan? " Tanong nito.
" Sa mukha at braso nalang " Sabi ko dito, Hinawakan nya ang braso ko tsaka ito nilinisan gamit ang Bimpo, Sunod ay naglabas sya ng ointment, Pinahiran nya ang mga pasa ko sunod ay naglabas sya ng bulak, alcohol at Betadine, Pucha!! Papatayin nya na yata agad ako.
Ang Hapdi ng Alcohol.
" 'Wag kang gagalaw " Sabi nito at nilagyan ng alcohol ang Bulak tsaka ito maingat na dinampi sa sugat ko sa cheekbone, Ilong, Itaas ng labi, Gilid ng kilay tsaka sa tenga ko.
" Saan ka ba napaaway? " Tanong nya.
" Wala ka ng pakialam dun " Sagot ko dito.
" Dapat lumaban ka " Sabi nya.
" Wala ka ng pakialam kung lumaban man ako o hindi, Dapat nga matuwa ka pa dahil mga kaibigan mo ang gumawa nito sa akin " Sabi ko dito ng seryoso, Napahinto sya sa paglalagay ng Alcohol sa isa pang bulak.
" Mga kaibigan ko? Sina Dale ang gumawa nyan sayo? " Tanong nya, Tumango ako at ngumisi.
" Gulat na gulat? Baka nga ikaw pa ang nag utos sa kanilang bugbugin at lumpuhin ako kagabi " Dugtong ko pa.
" Ginawa nila yan sayo kagabi? " Tanong nya pa, Kinunutan ko sya ng noo at hinawakan ang kamay nyang patuloy na naglilinis ng sugat ko.
" 'Wag ka ng mamlastik, Louie Alam kong ikaw ang nag utos sa kanila, 'wag kang mag alala kapag naka ipon na ako, Ako na mismo ang aalis dito sa puder nyo Nagpapasalamat lang talaga ako sa magulang mo dahil tinaggap nila kami ng buo ditong mag ina, Para sa ikapapanatag ng loob mo na wala ka ng squatter na kasama sa bahay ay kusa na akong aalis, Antay ka lang " Sabi ko dito, Tinitigan nya ako ng ilang minuto tsaka sya tumango.
" Buti naman " Sabi nito at nilagyan ako ng bulak na may betadine, Diniinan nito iyon kaya napapikit ako sa sakit.
Sunod naman nyang nilagyan ng gamot ang kamao ko, Malinis naman iyon pero may pula pula pa din dahil sa gasgas.
" Dahan dahan lang " Sabi ko dito, Pero nakangiti syang nagdiin ng bulak kaya pinilit kong bawiin ang kamay ko pero mahigpit nya itong hawak, Bwiset!!
" Okay na " Sabi nito, sabay tayo.
" Okay na, Natorture mo na ako " Sabi ko dito habang hinihipan ang kamao ko.
" Labas na " Louie, Kaya tumayo na ako hinatid nya ako sa pinto at nang makahakbang ako sa labas ay magpapasalamat sana ko kaya lang sinaraduhan na nya agad ako.
" Tss, Sama talaga ng ugali nito " Bumaba nalang ako, Habang pinapakiramdaman ang sugat kong ginamot nya, Pero kahit ganun nagpapasalamat pa din ako, Kahit masama ugali nya.
Kinabukasan ay Pumasok ako, Kahit na pinagbubulungan ako ng mga kapwa ko estudyante ay hindi ko na sila pinapansin, Sino ba sila? Pakiramdam ko ay Sikat na sikat na ako dahil ako palagi ang laman ng usapan nila, Umupo ako sa upuan ko tsaka yumuko.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...