Kusot
Ace Illustrisimo POV
Lahat ba ng tao alam yung pakiramdam ng naaapakan ang pagkatao?
Siguro hindi, Palagay ko kasi ang mga nakakaramdam lang ng pagkaapak sa mga pagkatao nila ay yung mga mahihirap, Yung mga sawing palad.
Yung mga taong may pangarap na kahit mag sumikap ay ang pangarap nila ay mananatiling pangarap nalang, Paano nga ba makakaahon ang isang hampas lupang nagmula sa putik?
Kung meron mang nakaahon sa putik, Grabeng sakripisyo ang ginawa nya para makaangat.
Maraming nangangarap ang umangat sa buhay kahit kaunti, Pero kapag nasa proseso ka na ng pag angat asahan mong may hihila din sayo pababa.
Katulad ng Papa ko, Tatlong taon nagsumikap at nangarap magkaron ng sariling kumpanya pero mismong kaibigan na pinagkakatiwalaan nya ang nagtraydor sa kanya.
Ninakaw at ginamit sa pangsariling layunin ang perang napundar nang kumpanya, Lumipad sa ibang bansa kaya ang pamilya namin ang nawalan ng pagkakakitaan, kung dati lagpas sa tatlong beses pa kaming kumain ngayon halos hindi ko na napapansin na sa loob ng isang araw ay hindi ako nakakakain.
Nakuha ko ang pagiging pursigido ni Papa, Kahit maliliit na trabaho ay pinapasok ko, Umextra sa Construction, para mag hukay, Maghalo ng semento, Magbuhat ng mga gamit, Magkaron lang ng Kita sa isang araw.
Nagkargador sa Palengke, Nag Tanim ng palay at nag harvest ng mga gulay, Ano pa bang trabaho ang hindi ko napapasukan? Yung mga Fast food at mga malalaking kumpanya dahil sa wala nga akong budget ay nag iipon ako para sa pag aaral ko.
Kahit anong bigay ko sa mga magulang ko ng perang nakukuha ko sa trabaho ay hindi nila tinatanggap, Kahit pa ganito na ang buhay namin, Mapride pa din ang Papa ko, Hindi sya tumatanggap ng perang ibibigay ko.
Kaya imbis na ipang gastos sa mga walang kwentang bagay tulad ng ginagawa ng ibang mga Kabataan ngayon, Ako Iniipon ko para sa pasukan ay may pera akong madudukot.
Nagpunas ako ng Pawis na namumuo na sa noo ko, Tanghaling tapat na at kakatapos lang namin kumain ng tanghalian dito sa pinagtatrabahuhan kong kakahuyan, Tagapala ako ng mga kusot na ilalagay sa isang sako, Tapos ibebenta ng amo namin sa labas.
" Pambihira namang buhay ito, Kakasweldo ko lang naubos agad ang pera ko " Napahinto ako sa pagpapala at napalingon sa katrabaho kong nagpapaypay ng sumbrero nya.
" Manong, Ganun talaga ang buhay kaya nga tayo nagtatrabaho para sa pera diba " Sgot naman nung isa pa.
" Oo nga, Pera na pambayad sa utang " Sagot ni Manong at napailing, Tsaka ako tinuro.
" Ikaw, Ace? Baka may naitatabi ka dyan? Pahiram muna ng limang daan " Sabi ni Manong, Agad akong umiling dahil wala akong maipapahiram sa kanya, Hindi sa nagdadamot ako, Yung pera ko kasi dapat sa magulang ko ibibigay pero dahil nga hindi sila tumatanggap ay tinatabi ko nalang.
" Ibabalik ko din, Pag sahod natin " Sabi nito at patuloy na nagpaypay.
" Wala talaga, Manong Sorry " Sabi ko dito at para mawala ang atensyon nila sa akin ay nagpatuloy ako sa pag papala ng Kusot, Kahit nakatalikod na ako ay rinig na rinig ko ang pinagsasasabi ni Manong sa mga kasama namin, Maramot daw ako at walang respeto.
Kaya Imbis na sagutin sya ay hindi ko nalang sya pinansin, Mas magmumukha akong walang respeto kung papatulan ko pa sya.
Nang matapos kami sa pagpapala ay pumasok muna ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig at dahil mabait naman talaga ang amo namin ay kahit mga softdrinks nila sa ref ay pinaiinom sa aming mga tauhan nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/335251116-288-k333477.jpg)
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...