Kabanata 1
May dalawang katapusan ang kuwento ng pag-ibig.
Yung magkakatuluyan ang dalawang bida at may pamilya na. Naging masakit man ang gitna ng kanilang istorya ngunit naging maganda naman ang wakas gaya ng simula, dahil sa huli ay sila pa rin ang nagkatuluyan.
Pero may isang katapusan ang alam kong marami ang masasaktan.
Hindi sila ang wakas. Ang dalawang bida ay hindi para sa isa't-isa kahit na nagkasama sila sa simula at sa gitna, maging sa lahat ng problema. At hindi iyon dahilan para maging sila sa huli kung nakaukit na sa kanilang mga tadhana ang nararapat para sa kanila.
Pero kung mangyari man sa akin 'yon siguro ay hindi ko kakayanin 'yon.
Crazy, right? Hindi niyo rin naman ako masisisi kung ganon ang pag-iisip ko.
Dahil takot akong masaktan...
May kabit si Mommy... Kaibigan niya... Si Tito Arthur.
Pero si Daddy. Hinayaan lang niya kahit na nasasaktan na siya. Dahil mahal niya si Mommy. At walang nakakaalam sa balitang iyon. At araw-araw ay hinahanap-hanap ko yung pakiramdam na masaya kaming pamilya. Kaya gano'n na lang ako kung protektahan ni Kuya, kasi ayaw niya na nasasaktan ako at naririnig sina Mom sa tuwing nag-aaaway sila ni Dad.
Napakagago naman ng pag-ibig na iyan. 'Yong nasasaktan kana pero mamahalin mo pa rin siya.
At ayaw ko na humantong ako sa sitwasyong iyon balang araw. Kaya kahit anumang mangyari ay hindi ko hahayaan na ang kuwento ko ay matapos sa maduguang luha at wasak na puso.
"Mommy why are you like this? " mahinang tanong ko habang pinapanuod siyang nilalagay ang mga damit ko sa maleta.
Seryoso siya at nagmamadali habang ako naman ay nagsisimula ng umiyak.
Ni pag tingin niya sa akin ay hindi niya magawa-gawa. Parang desperada siya na makaalis na rito kasama ako na parang kinatatakutan niya si Daddy.
Nag sisimula na ring magsitulo ang mga luha ko. Dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang nalalapit na pagkawasak ng pamilya kong ito.
"Aalis tayo, " malamig niyang sinabi ngunit nanatili ang pagiging kalmado roon.
Nilapitan ko siya habang namamasa ang mga mata para itanong si Daddy. "B-but h-how a-about D-daddy and Kuya? Hindi ba sasama sila sa atin? " basag ang boses kong tanong sa kaniya.
Nagtatanong ako kahit pa alam ko naman na ang kasagutan niya.
"Your Daddy can take care of himself. Sa Daddy mo muna ang Kuya mo," mahinang sagot niya.
"B-but t-today is my b-birthday... " at ngayon mawawasak na ang pamilya ko.
Doon na ako tuluyang tinignan ni Mommy. Umiiyak akong umiling at nagmakaawa sa kaniya.
Umaasa ako na maaayos nila ito ka agad. Kasi hindi ko kakayanin na sa mismong kaarawan ko ay watak na ang pamilya ko.
Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng isang bahagi ng kasiyahan sa buhay ko.
Ngunit nabigo ako. Dahil sa mga mata palang ni Mommy ay alam ko na ang sagot.
It's a no.
"I-i'm sorry, h-honey... Pero hindi ko na kaya... "
Bakit hindi na niya kaya? Puwede naman na sa akin siya humugot ng lakas 'di ba? Pero bakit si Daddy, kinaya niya at siya ay hindi?
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...