Kabanata 17
Bakit kaya maraming tao ang binabalewala ang taong nagmamahal sa kanila? Minamahal lang naman sila kaya bakit kailangan pa nilang makasakit ng damdamin ng taong minamahal lang naman sila?
"Oh? Bakit nandito ka pa? Di ba dapat ililibot ka pa ni Abraham sa Casa?" Gulat na tanong sa akin ni Mama La nang bigla ko siyang makasalubong sa hagdan.
Isa rin ito sa problema ko kaya ayaw kong makasalubong si Mama La. Kagaya nga ng iniisip ko ay mag tatanong siya kagaya na lang ng ngayon.
Napakamot ako sa ulo ko at nag-iisip ng ipapalusot. "Ah, huwag na lang po Mama La kasi nag aadvance study po ako eh." Biglang napatango-tango siya sa sinabi ko at tinanong ako ulit pero hindi na tungkol kay Abraham.
"Bakit ka pala bababa? Saan ka pupunta?"
"Sa kusina po. Kukuha po ng snack sana while nag iistudy."
"Igagawa na lang kita ng paborito mong mango pie." Automatikong kumislap ang mga mata ko sa sinabi ni Mama La na magic word sa pandinig ko.
Sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kaniya. "Thank you, Mama La! I love you!" Halos halik-halikan ko na ang mga pisngi niya.
Tuwang-tuwa ako habang nakasunod sa kaniya sa kusina. Para akong batang na kasunod sa Nanay niya.
Nakasalubong ko pa si Kuya Cedrix na galing sa sala pero hindi naman niya ako tiningnan. Diretso lang ang tingin niya sa hagdanan na nasa likod ko.
Bumuntong hininga ako at nilingon siya. Kailan kaya siya aamo sa akin?
Bakit parang ang daming may galit sa akin kahit dalawa lang sila? Na kung maka iwas akala mo ay napakalaki masyado ng kasalanang nagawa ko. Kasalanan na hindi ko naman alam kung ano.
"Elina!" Bigla akong napatigil sa paglalakad nang makarinig ng hindi pamilyar na pangalan.
Mabilis akong napalingon kay Mama La na siyang tumawag sa pangalan noong babae. Naka-ngiti siya at mukha pa siyang excited.
Lumipat naman ang tingin ko sa babaeng ngini-ngitian niya. Muntik na akong mapa sign of the cross noong makasalubong ko kung gaano kaamo iyong mukha niya na daig pa ang mga madre sa simbahan na nangungusap ang mga mata habang nagdadasal, iyong parang malapit ng umiyak tapos mapupungay na ang mga mata?
At kamukha niya si Mama Mary!
"Hello po, Ma'am. Good afternoon po," ang amo rin maging ng boses niya. Para akong nakarinig ng anghel na umaawit nang ngumiti siya, tapos parang pakiramdam ko nawala lahat ng kasalanan ko dahil sa boses niyang dalagang-dalaga talaga.
Napahawak ako sa magkabilang mga pisngi ko at parang papaiyak na ang ekspresyon. Na gulat pa sila nang sumigaw ako sa kilig at hinawakan ko ang mga balikat noong Elina at inalugalog.
"Omg kamukha mo si Mama Mary!" Tili ko na ikinalaki bahagya ng mga mata niya. At sa ginawa niyang iyon ay para lang siyang nag mukhang anghel lalo na na bigla pero maganda pa rin! UNFAIR!!!
Tinawanan ako ni Mama La nang bigla akong mapa sign of the cross. "Apo, tama na 'yan."
Kinagat naman ni Elina ang ibabang labi niya para pigilan ang tawa kaya lalo akong tumili sa kilig kasi lalo lang siyang naging kaakit-akit sa paningin ko.
Parang mababading ako! Stop please sayang lahi!
Parang gusto ko na lang siyang itago para walang makakita sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomansaCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...