Kabanata 30
Galit kaya si Daddy sa akin?
Baka umiiyak na si Mommy. Bawal siyang umiyak kasi baka kung mapaano pa ang kapatid ko at maging kasalanan ko pa kung mawala siya.
"Miss mo na ang pamangkin ko?" Silip sa akin ng tiyahin ni Abraham nang makita ako nitong panaka-naka ang tingin sa labas.
Napadalaw lang siya sa bahay para magdala ng ginataang bilo-bilo. Malayo kaunti ang bahay namin sa bahay nila, 'yong kanila malapit siya kaunti sa dagat.
"Parang po," nahihiyang pag-amin ko at pasimpleng hinaplos ang aking pisngi sa hiya.
Narinig ko naman ang marahan niyang pagtawa kaya napatingin ako sa kaniya. Doon ko lang napansin na titig na titig siya sa akin.
"Mahal mo ang pamangkin ko, ano?"
Saglit akong di nakapag-salita pero dahan-dahan akong tumango sa kaniya. Naninibago lang ako sa kaniya.
"Mahal ka rin no'n."
Biglang namula ang pisngi ko. Gusto kong paniwalaan pero ayaw kong masaktan dahil sa sarili kong katangahan.
Napapagod na kasi akong umasa at isipin na kahit isang araw lang ay minahal ako ni Abraham. Kahit crush lang.
"Normal lang talaga na mamiss mo ang pamangkin ko kasi mahal mo. Pero minsan kailangan niyong magkalayo para sa magandang mangyayari sa mga buhay niyo. At kung kayo, edi kayo." Aniya at nagkibit-balikat.
Tinitigan ko siyang muli, hindi ko alam kung anong irereact ko. Parang may kung ano siyang pinapahiwatig. Bawat salitang binibitawan niya ay may kahulugan.
Tumanaw siya sa labas. "Alam mo ba kung bakit lumilipad ang mga ibon sa langit at sinasalubong ang malakas na hangin?"
Bahagya akong umiling. Malay ko ba na may meaning pala 'yong pag lipad nila.
"Kaya sila lumilipad para makita ang ganda ng kapaligiran mula sa himpapawid. Kung gaano kaganda ang pagkakahulma ng mga bundok at kung gaano kalalim at sobrang bughaw ng karagatan. Parang pag-ibig lang 'yan, hija. 'Yong karagatang malalim ay mga pagsubok at kahit nakakatakot sa ilalim noon hindi mo pa rin maiiwasan ang hindi mahalin ang ganda nito kahit hindi mo pa nakikita kung ano talaga ang tunay na mayroon sa ilalim ng karagatan. Parang 'yong minamahal mo, alam mong masasaktan ka pero lumusong ka pa rin, lumaban ka pa rin kahit na alam mong masasaktan ka. Kagaya ng dagat kahit natatakot ka sa lalim lumusong kapa rin dahil gusto mong subukan ang pakiramdam na mayakap ng malamig na tubig, ang pagmamahal niya."
Titig na titig ako sa kaniya habang sinasabi niya ang mga iyon. At pumipintig din ang aking puso habang nakikinig. Bawat salita niya ay awtomatikong nagpapabilis ng pag tibok ng puso ko. At hindi ko alam kung bakit.
Naramdaman ko ang mainit na kamay nito kaya nabalik ako sa reyalidad. Nasalo ko agad ang mga mata niya nang tingnan ko siya.
"Kaya mong lumaban na mag-isa ka lang basta karamay mo ang sarili mo. Masyado pa kayong hinog para sa buhay na ganito..." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang ako naman ay nakatulala na sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...