Kabanata 26
Napansin ko na malalim ang iniisip ni Ate Miriam. Siguro iniisip niya ang nangyari kanina. Masama na kaya ang tingin niya kay Abraham dahil sa hindi nito pagsipot sa akin?
Pinagaan ko ang loob niya at pinilit siyang huwag isipin ang mga bagay na 'yon. Alam kong mabuting tao ang pamilya ni Abraham maging siya, at alam ko na nangisda lang sila kaya hindi siya nakarating.
Sakto namang nakasalubong namin si Tita Maureen na kanina pa pala kami hinahanap. Hinusgahan niya kami ka agad ng kaniyang mga mata at sa takot ay nagsinungaling ako.
Akala ko pa noong una ay aamin si Ate Miriam dahil kita ko ang pagka-sindak niya sa mga titig sa kaniya ni Tita. Pero sa huli ay nagsinungaling pa rin siya na labag sa kalooban niya.
Pagkatapos ay umakyat siya ng kwarto niya para maligo at hinintay namin siya. Halata ring excited siya sa nalaman niya. Susunduin kasi namin bukas si Kuya Venezio dahil kasal nito bukas.
Dinumog pa si Ate Miriam nang mga bata nang makita na siya at muntik pang matumba mabuti na lang at nahawakan ko siya ka agad.
Kung kanina ay malungkot ako ngayon ay masaya na ako dahil nakita ko si Abraham na naglalakad kasama si Kuya Danilo. Kasama rin niya ang kapatid niyang si Adonis na seryoso ang ekspresyon ng mukha na ipinapakita.
Nakakapag taka lang dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-seryoso ang mukha.
Parang may malalim na iniisip na ewan.
Nalaman na rin ni Ate Miriam kung sino si Abraham. Tinukso ko pa nga siya nang mamula siya nang sabihin ko sa kaniyang crush niya si Adonis.
Hinihintay ko na ngumiti sa akin si Abraham pero hindi 'yon nangyari. Kaya napagtanto ko na may hindi talaga magandang nangyayari. Kaya matapos ang nakakapagod na pakikipaglaro sa mga bata ay nagpunta ako sa kanila.
Pero napatigil ako nang makita ko si Lily na tinatawanan si Abraham. Ang laki ng ngiti naman ni Abraham kaya parang pinupunit ang puso ko.
Magpapakita pa ba ako?
Nag-aalangan ako. Alam ko kasing ayaw ni Abraham na may nakakaalam sa namamagitan sa aming dalawa. Pero paano ko sasabihin sa kaniya na magiging ama na siya?
"Abraham, mag-usap naman tayo. May nangyari ba? May nagawa na naman ba ako?" Parang maiiyak ng tanong ko kay Abraham habang pilit na hinahabol ko ang tingin niya.
Iwas ang mga mata niya. Nagbabakasakali lang ako na titingin siya sa akin. Kinakabahan ako sa pag iiwas niya ng tingin sa akin. Kinukutuban talaga ako na may mali.
"Faith, parang mali ito..." Umiiling-iling siya at umatras.
Umawang naman ang labi ko at para akong sinampal nang pagkalakas. "A-anong m-mali?" Nanginginig ang labi ko.
Umiling siya muli at kita ko ang lungkot at pagkadismayasa sa kaniyang maamong mukha. "Paano kung hindi kita mapasaya? Paano kung hindi ko mapunan ang mga pangangailangan mo at gusto mo?" Tanong niya at tumingin sa akin.
Dahan-dahan akong umiling at nakangiting lumapit sa kaniya. "No... You're enough, Abraham. You're presence and love is enough for me. Sapat na sa akin na nandito ka sa tabi ko at alam kong mahal mo'ko. D-don't say that, please?" Pagsusumamo ko kaya nag iwas siya ng tingin.
Nang makalapit ako sa kaniya ay buong lakas kong hinaplos siya sa pisngi. "Ngayon kapa bibitaw kung kailan malayo na tayo? Mahal kita, Abraham. Mahal mo naman ako di ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/333087864-288-k191662.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...