Kabanata 5
"Love is not a game."
"But for me it's a game," katuwiran ko kay Kuya Leonard dahil nalaman niya ang deal namin ni Kuya Leandro.
Nadulas kasi si Kuya Leandro kanina sa kaniya kung bakit kami nagtatawanan kanina habang sumusulyap kay Abraham na abala sa pagbubuhat ng mga palay.
And now he's here, Kuya Leonard is mad. Napapahilamos sa mukha na tila nagpipigil ng galit.
"Faith naman. Abraham is already seventeen years old and you?! You're just fourteen years old for pete's sake!" I just rolled my eyes on him. Bakit ba problemado siya? Eh hindi naman sa kaniya mafa-fall si Abraham at mukha ring malabo na ma-fall sa akin iyong Abraham na iyon.
Suplado nga eh. Kanina nga noong nginitian ko nag iwas lang ng tingin tapos hindi na ako tiningnan ulit. Natapakan pride ko na sanay kasi ako na palaging pinagtitinganan, kasi alam kong maganda ako kaya gano'n.
Nakipag-usap na siya sa Lily na iyon. Same lang naman ata kami ng Lily na iyan ng grade level eh, pero fifteen na siya. And she's beautiful, marunong mag make up but I hate her! She is so pabebe to her brother.
"Faith can you just do what I said?! It's not acceptable!"
I raised my eyebrows. "Not acceptable what?"
He rolled his eyes on me. My mouth fell when he did that. Ito ang kauna-unahang nangyari sa buhay ko na inirapan niya ako. "Can you just don't complain anymore? Hindi mo kasi naiintindihan dahil bata ka pa!"
Pinangunutan ko siya ng noo pero hindi na nakapag-salita nang tawagin kami nina Kuya Danilo mula sa malayo. Sabay kaming lumingon sa kaniya, nakita ko pang bahagyang nakakunot ang noo ni Kuya Cedrix sa amin. Nagtataka rin ang tingin niya sa akin.
Sinimangutan ko lang si Kuya Leonard nang huli niya akong binawalan bago lumakad kasabay ko.
Paalis na yata kami sa kubo. Pero bago umalis ay nilingon ko muna ang kubo at mga mata nito ka agad ang una kong nasalubong. Seryoso iyon at matapang pa siyang nakikipagtitigan sa akin.
Sa aming dalawa ay ako ang unang nag iwas ng tingin dahil hindi ko nakayanan ang mga titig niyang nakakatunaw.
Bahagya pa akong umiling. Nang makapasok ako sa sasakyan ay nakasalubong ko ka agad ang mahiwagang ngisi ni Kuya Leandro na nang-aasar.
Inirapan ko lang siya at humarap na. Puno pa ng pagbabantang tinawag ni Kuya Leonard ang pangalan ni Kuya Leandro kaya nanahimik siya. Samantalang ang mga kasama naman namin sa loob ay nagkakatinginan na lang at nacu-curious sa tensyon na pumapalibot sa amin.
Nang maka uwi kami ay punong-puno ako ng pagtataka dahil sa kaseryosohan nila Mama La at Papa Lo habang kaharap sina Mommy at Daddy.
"Faith will stay here. Aalagaan namin siya. Ayaw naming mamulat siya na sira ang pamilya niya. You can take Cedrix if you want to leave this house and make your own family again, Casmin. But you, Luke you will not take Faith away from us, if you want to be your daughter then stay here. There's always have a choice, kung gusto niyong kasama ang mga anak niyo ay ayusin niyo ang gulo," seryosong sabi ni Mama La sa kanila at dinuduro pa sina Mom at Dad na nakayuko at di makatingin sa kanila sa mga mata.
Huminto ang mga paa ko dahil sa narinig ko. Nagkatinginan pa kami ni Kuya Cedrix pero kalmado lang siya at parang wala lang sa kaniya ang narinig niya na parang alam na niya na mangyayari ito.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
عاطفيةCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...