Kabanata 25

18 4 0
                                    

Kabanata 25




Hindi pa rin magbabago ang desisyon ko sa bata. Ayaw ko pa rin sa kaniya.

"Mahilig ako sa bata kahit pa ang ingay nila. Worth it marinig ang iyak nila, lalo na ang iyak ng magiging anak ko. Kasi alam kong buhay siya, kaysa sa ako ang umiiyak kasi alam kong wala na ang anak ko." Tumingin sa akin si Abraham.

Nakatulala lang ako at taimtim na nakikinig sa mga sagot niya.



Sumagi sa isip ko 'yon kasabay nang pag-sabi niya ng mga katagang 'yon. Tinanong ko siya kung mahilig ba siya sa bata at ayon ang sinagot niya.


Pakiramdam ko tumigil ang pag tibok ng puso ko at isang haplos lang ng anak ko sa puso ko ay muling tumibok 'yon dahil sa sinabi ng ama niya.


Parang gusto kong maiyak dahil ang nasa isip ko pa rin ay ang mawala ang anak ko. Dahil natatakot ako sa mundong haharapin niya sa oras na isilang ko siya.


Pakiramdam ko hindi ako magiging isang mabuting ina sa kaniya. Hindi ako naging mabuti sa lahat. Duwag ako...

"Ikaw, Faith. Mahilig kaba sa bata?" Balik na tanong niya sa akin na lalong ikinatigil ko.


Bumilis ang kabog ng dibdib ko bigla at ilang minutong hindi nakapag-salita. "Hindi ko alam..." Yumuko ako at tinangay naman ng hangin ang aking buhok. "Hindi ko alam ang isasagot ko..." Mahinang sambit ko at tumingin sa kaniya na malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.

"Bakit hindi mo alam?" parang nanunubok na tanong niya.


Mapait akong napangiti. "Hindi ko makita ang sarili ko na may batang nasa mga bisig ko. Namulat ang mga mata ko na nagkukunwari lang ang mga magulang ko na mahal nila ang isa't-isa. Kaya hindi ako makakasiguro kung magiging isang mabuti ba akong ina sa magiging anak ko..."


"H'wag mong sabihin 'yan. Alam kong kaya mo dahil alam mo 'yong pakiramdam na masaktan dahil sa lamat ng isang pamilya. Kaya hindi mo ipaparamdam iyon sa magiging anak mo."


Parang gusto kong matawa. Bakit ba pinag uusapan namin ang tungkol sa anak? Parang mas lalong gusto kong matawa sa mga sinasabi ko dahil may bata na sa loob ng t'yan ko at nagawa ko pa ring magsalita na parang hindi ako magiging ina.

"Abraham, mahal mo ba ako o sadyang nakokonsensya ka lang sa lahat ng pananakit mo sa akin kaya mo ito ginagawa?" Napakalamig ng boses ko nang tanungin ko siya.

Napalingon naman siya sa akin dahil doon. "Hindi ko ito ginagawa dahil sa nakokonsensya ako. Matagal ko ng nararamdaman iyon kaya huli na para bumawi ako. Ginagawa ko ito dahil gusto kong alagaan ka. Gusto kong mag hilom ang mga sakit na dulot ko sa 'yo, gusto kong maging malaya ka mula sa pagkakasakal ng hangin na nasa paligid mo at makahinga ng maluwag," his words are comforting.

Hindi ko mapigilan ang pamamasa ng mga mata ko. "Paano kung paglayuin nila tayo?" Tukoy ko kayna Tita Maureen at tumingin sa kaniya. Para akong nalulunod sa mga titig niya.

Dahan-dahang umangat ang labi niya at natuptop ko na lang ang labi ko nang ngumiti siya sa akin. 'Yong ngiti niya na pinakapaborito kong ngiti sa buong mundo. Ngiti na hiniling ko sa may kapal na sana ay muli kong masilayan.

"Belated happy birthday, Senyorita..."

Tuluyan ng nahulog ang mga luha ko sa mga mata ko sa sinabi niya.

"Tatakasan natin sila, Senyorita. At kung papayag ka na iwan natin sila para bumuo tayong muli ng bagong simula para sa ating dalawa." tatlo, Abraham.

Napangiti ako sa kaniya. "So boyfriend na kita?" Halos mangiyak-ngiyak na tanong ko na ikinalaglag naman ng panga niya.

"Boyfriend agad?!" Gulantang niyang tanong kaya napangisi naman ako.

Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon