Kabanata 29
One weeks na simula nang umalis kami sa lugar namin. At ang palaging routine ni Abraham sa umaga ay ang mangisda at uuwi sa hapon at pupunta ng Calbayog Port para ibenta ang mga isda.
Ganoon palagi. Kaya palagi ko rin siyang namimiss.
Hinimas ko ang t'yan ko na may kalakihan na kaunti. Nakapangalumbaba ako sa may bintana habang nag aabang sa kaniya.
Sa ilang araw ko siyang nakakasama ramdam ko talagang iniiwasan niya ako. Kahit pag-titig ng diretso sa mga mata ko ay hindi niya magawa. Kaya roon ko talaga na sabi ko na kaya nangyayari ito ay dahil sa bata.
Lagi na lang sa bata... Paano naman ako? Ako ang nagdadala di ba dapat iparamdam niya sa akin na mahalaga ako sa kaniya para mas maalagaan ko ang bata? Daig ko pa kasi ang paanakan na walang pakialam basta magsilang lang ng sanggol.
Sumasama tuloy loob ko kaunti. Pero hinahayaan ko na lang baka kasi nag a-adjust pa siya.
Kusang nagliwanag ang mukha ko nang matanaw ko siya. Kasama niya ang mga pinsan niyang lalaki na may mga bitbit pang panghuli ng isda. Diko alam ang tawag doon basta net siya, lambat ata.
Sinalubong ko siya habang tumatakbo. Bahagya namang nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ako, halatang hindi niya na gustuhan ang pag takbo ko.
"Huwag kang tumakbo Faith baka kung mapaano 'yong baby sa t'yan mo. Baka mapaanak ka niyan bigla sige ka," sabay biro sa akin ng mga pinsan niya pero hindi ko sila pinansin. Dumiretso ako ka agad sa braso ni Abraham at malaki ang ngiting yumakap doon.
Sumimple naman siya ng lakad kasabay ng pagtanggal niya sa kamay kong nakayapos sa braso niya. Dahan-dahan namang nawala ang ngiti ko sa ginawa niya at para akong sinampal ng katotohanan.
Walang nakapansin sa nangyari dahil nagtatawanan pa rin ang magpipinsan.
"Hindi mo dapat pabayaan ang bata. Maging maingat ka dahil may isa pang buhay sa loob mo," napakabigat ng boses ni Abraham kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapayuko at mapakagat sa ibabang labi ko.
Nakaramdam ako ng kaunting hiya. Tama nga naman siya. Pero napaka iresponsable ko namang ina sa dating na 'yon.
Pero hindi ko naman sinasadya, na excite lang talaga akong makita siya kasi na miss ko siya.
Siya kaya? Na miss niya rin kaya ako?
Sa amin na nanghalian ang mga pinsan ni Abraham. Hindi ako makalapit dahil masyado silang nalulunod sa kuwentuhan. Kaya nanood na lang ako ng TV habang nakapangalumbaba.
Ewan ko kung imagination ko lang na pinapanood ako ni Abraham habang tutok na tutok ang mga mata ko sa TV. Noong tumingin naman kasi ako sa kaniya ay nakatingin siya sa mga pinsan niyang naglalaro ng tumbang braso habang tumatawa.
"Wala na sila?" Tanong ko sa kaniya at sinilip siya sa labas.
Bumagsak agad sa akin ang mga mata niya at tipid na tumango at naglakad para lagpasan ako.
Hinabol ko naman siya ng tingin maging ang aking katawan ay nakabaling sa kaniya. "Gusto ko ng lansones..." Mahinang sabi ko na lang dahil hindi ko inaasahan ang mabilis niyang paglagpas sa akin.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...