Kabanata 32
"Hindi sapat ang mga luha mo para mawala ang sakit na nararamdaman ng anak ko," malamig niyang sambit sa akin. Pinahid niya rin ang basa niyang pisngi. Habang ako ay nakaluhod pa rin sa harapan niya habang wala akong makitang emosyon sa mukha niya.
"Ipapakulong ko ang lalaking 'yon."
Bigla akong napatayo sa sinabi niya at mabilis na umiling. "H-huwag po!" I even hold her hand, pero marahas niya lang 'yong inalis.
"I don't care, Faith! May kasalanan siya kaya ipapakulong ko siya! Maghihigant-"
"Buntis ako!" Umiiyak na sigaw ko sa kaniya na ikinatigil niya.
Nag kulay suka ang mukha niya at napatulala sa akin. Dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa tiyan ko na hindi pa masyadong malaki at nanginginig niyang nilagay ang kaniyang hintuturo sa may bandang leeg ko.
Parang nanghina siya bigla nang may makapa siya na kagaya na lang ng iniisip niya kanina.
"Anong balak mo?" Mahinahong tanong niya sa akin bagama't malamig, pero ramdam ko ang pilit na pagpipigil niya ng galit na mabulyawan ako.
Hinaplos ko ang t'yan ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Pinagmamasdan ko ang reaksyon niya, at wala akong ibang nakikita roon kundi ang pagkasuklam at pagkainsulto. "Gusto kong pumunta ng maynila at doon magbubuntis para hindi nila malaman ang tungkol sa bata. Ayaw ko silang madismaya."
"Edi sana inisip mo 'yan bago ka lumandi," mabilis niyang sagot sa akin kaya napayuko na lang ako dahil sa pagkapahiya. "Hindi mo rin kayang mabuhay sa maynila na may bata sa sinapupunan mo. Ano na lang ang iisipin ng Mommy mo kapag nasa maynila ka? Ano 'yon bakasyon? Bakasyon ka na agad eh kakasimula pa lang ng klase?" Puno ng sarkasmong tanong niya.
"Mag-aaral po ako habang buntis. Ayon na lang po siguro ang excuse ko, Tita..."
"Sinong tutulong sayong pumunta roon? Ang kapal naman ng mukha mo kung ako."
Napayuko ako sa sinabi niya.
Nilaro ko ang kamay ko na parang bata. "Sorry po, Tita. Kasi mukha pong maaabala ko po kayo. Tulungan mo po akong makapunta sa Maynila. Kapag po nanganak na ako ipamimigay ko-" isang sampal ang nagpatigil sa akin sa pagsasalita.
Hindi ko inaasahan iyon kaya hinawakan ko ang aking pisngi sa gulat.
"Huwag kang makasarili. Kung ayaw mo sa bata ibigay mo sa ama. H'wag mong pahirapan ang mag-aalaga ng anak niyo na nagmula sa pagtataksil," mariing wika niya. "Hindi lang ikaw ang gumawa sa batang 'yan, huwag kang madamot."
Tinalikuran niya ako. "Tutulungan kita. Pero layuan mo na ang lalaking iyan. Dahil kapag may nakarating sa aking balita na nakipag-usap ka sa lalaking 'yan o nakipaglapit muli ay hindi ko lang basta ipapakulong iyan. Ipapapatay ko pa," sabi niya bago ako tuluyang iwan.
Parang hawak niya ang batas sa paraan ng pananalita niya, at lahat ng tao ay sasangayon sa kaniya sa oras na mag-utos siya. Bawat salita niya talaga ay parang lason na unti-unting kumakalat pero hindi mo alam.
Napa-upo na lang ako sa kama ko sa labis na panghihina. Parang saglit kong hindi naramdaman ang tuhod ko sa sinabi niya.
Pero hindi pa rin nawala ang pag tulo ng mga luha ko. Kailangan kong tuluyang makipag hiwalay kay Abraham, at para magawa iyon ay dapat akong magsinungaling. Dahil isa rin ang baby namin sa dahilan kung bakit siya mabait sa akin. Kaya kapag nandito pa ang baby sa akin ay hindi niya ako bibitawan.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...