Kabanata 15
Hindi ako makasabay sa mga lakad niya, ang bilis kasi niyang mag lakad. Ang haba pa ng mga biyas niya tapos nakakapangliit pa ang height ko sa height niya.
Wala ring nagsasalita sa aming dalawa kaya parang ang akward. Ayaw ko rin naman siyang kausapin kasi pakiramdam ko mauutal ako or pipiyok. At saka nag-aalangan ako, baka kasi hindi niya ako sagutin.
Mukha rin namang wala siyang balak akong kausapin dahil diretso lang ang tingin niya sa daan nang pasimple ko siyang nakawan ng tingin. Parang akala mo wala siyang kasama.
Nasa parte kami ng mga maisan na may tunog pa na rumaragasang tubig. Pasimple namang kumunot ang noo ko. Nakakapagtaka lang kasi kung paano nagkaroon ng tubig sa maisan?
Nauna akong naglakad kay Abraham. Naramdaman ko pa ang pag-titig niya sa likod ko.
Samantalang dahan-dahan ko namang hinawi ang maisan na nasa uluhan ko banda para masilip ang lugar na kung saan ko naririnig ang rumaragasang tubig.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang malinaw at asul na asul na pa hugis coconut na tubig talon. Maraming ganoon sa taas pa nga ay may parang waterfalls at doon nakakabit ang iba pang hugis coconut.
Bigla naman akong napalingon kay Abraham na sumeryoso bigla ang mukha. "Bakit?"
"May paliguan na hugis coconut. At saka mukhang mainit kasi may bahagyang umuusok!" Parang batang pahayag ko at tinuro ang coconut spring sa likod ko.
Coconut spring na ang itatawag ko sa kaniya dahil mukha namang coconut ang hitsura niya at sa loob ay may malinaw at malinis na asul na tubig na mukhan mainit kaunti. May puno pa sa taas nila banda kaya masyadong malimlim.
Nakita ko ang pag ngiti niya na biglang nawala nang pakatitigan ko siya. Nangunot ang noo ko. Ngumiti ba talaga siya?
Akala ko pa naman bati na kami kasi napangiti ko siya. 'Yon pala hindi, siguro hindi talaga siya ngumiti. Baka pinaglalaruan na naman ako ng imahinasyon ko.
Kapag may free time si Ate Miriam isasama ko siya rito.
"Tara na, baka may ahas dito." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko na ikinatigil ko.
Pero hindi ako nagsalita. Nagpaubaya lang ako sa kaniya hanggang sa tinatahak na namin ang daan papuntang burol na kung saan kami tumatambay noon. Malayo iyon sa sakahan at sa mansyon at masyadong tahimik.
Mula sa burol na ito na may malaking puno makikita mo ang buong Casa. Sobrang lawak kasi talaga ng Casa kaya malaya kang gawin ang lahat ng gusto mo. Sobra pa nga ang lupain sa silangang bahagi.
Tinatangay ng malamig na hangin ang mga buhok namin. Napansin ko pa ang pasimple niyang pag sulyap sa akin habang nasa loob ng bulsa niya ang mga kamay niya.
Ang presko niya ring tingnan sa suot niya na simpleng polo at maong. May bota rin siyang suot sa paa na kulay itim habang ang akin naman ay pink na may flower at butterfly pa.
"Kumusta naman sa Maynila?" Bahagya pang nag dilim ang mukha niya hindi ko na lang masyadong pinansin.
Tumingala ako habang nasa likuran ko naman ang aking mga kamay. Dumiin ang kuko ko sa isa kong kamay. "Ayos lang, masaya."
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...