Kabanata 18

14 2 0
                                    

Kabanata 18



Nandoon kaya siya?


Tapos na si Mama La sa pagluluto ng maraming mango pie. Kaya ito ako ngayon at tinatahak na ang daan patungo sa kubo ng mga magsasaka kasama si Ate Georgina, kasambahay din sa amin. Dalawang taon na raw itong namamasukan bilang katulog dito at dalawang taon din akong wala rito.

May dalawa kaming bibit na malaking  plastic na may lamang mga baunan para sa mga magsasaka.

"Ate Geor, kaya mo pa po ba? Para po makapag-pahinga kapo muna if hindi mo na po kaya."

Mabilis siyang umiling sa akin. "Ay ayos lang ako, beh. Makakain ko lang ang oras mo kung magpapahinga pa tayo dahil sa akin."

Sinundan pa niya 'yon ng tawa at nauna na sa paglalakad.

Hindi pa kami nakakalapit sa kubo ay tanaw ko na silang lahat na mukhang kakagaling lang sa pagsasaka dahil mga pawisan.

Mabilis namang hinanap ng mga mata ko si Abraham. Taimtim din akong nanalangin na sana ay nandito siya. Kusa namang huminto ang mga mata ko sa lalaking seryosong nag-aani pa rin. Tinatawag na siya ng mga kasama iya perp hindi niya man lang ito napapansin.

At noong makita naman kami ng isa sa mga binatang magsasaka ay dali-dali niyang tinawag ang mga kasama niya para tulungan kaming buhatin ang mga dala namin.

Wala na sa akin ang plastik pero na kay Abraham pa rin nakatuon ang paningin ko at atensyon ko.

Hindi ba siya na iinitan? O kaya naman ay nakakaramdam ng pagod?

Masyadong mainit at matirik ang araw sa palayan at naka jacket pa siya na manipis na sinusuot ng mga magsasaka. Bahagya ring bumabakat ang hubog ng kaniyang katawan sa kaniyang manipis na jacket dahil sa pawis, lalo na sa may bandang dibdib kaya kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung gaano ka perpekto ang pagkakahugis ng dibdib niya na malapad at tiyak akong matigas.

Kailan ko kaya mahahawakan 'yon?

Bigla akong napaiwas ng tingin sa p'westo ni Abraham dahil sa biglang sumagi sa isip ko.

Sinundan ko naman ka agad si Ate Georgina bago pa siya magtaka kung bakit hindi ako na kasunod sa kaniya at makitang titig na titig ako kay Abraham na pursigidong nag tra-trabahho.


Pansin ko lang na wala rito si Sir Andres at si Abraham lang ang bukod tanging nag-aani.

"Ah, si Andres ba? Mangingisda raw siya para may pambili ng gamot ni Rose kaya itong si Abraham ay nagsisipag," sagot sa akin ng matandang lalaki nang tanungin ko kung bakit wala si Sir Andres.

Dahil sa narinig ko kaya ako napasulyap kay Abraham na nag tra-trabahho pa rin. But this time nag aararo na siya.

Dalawang oras na ang nakakalipas simula nang dumating ako na wala man lang siyang ka akyat-akyat sa kubo para kumain.

Kahit pa nakita na niya ako ay hindi pa rin siya umaalis sa maputik na sakahan. Pero sino nga ba ako para akyatin?



Nag paalam muna ako kay Ate Georgina na puntahan si Abraham para yayain ng umakyat. Baka kasi hanapin niya ako.


"Abraham!" Pag tawag ko sa kaniya kaya nilingon naman siya sa akin. Akala ko pa dededmahin niya ako dahil hindi maganda ang mga nangyari sa amin noong huli naming tagpo.



Bahagyang nangunot ang noo niya habang nakalingon sa akin.

"K-kumain kana muna!" Na utal ko pang sagot dahil bigla akong na distract sa mga mata niya na titig na titig sa akin.



Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon