Kabanata 33
"Anak, mag-iingat ka roon ha?" Ilang ulit na paalala sa akin ni Mommy habang nasa daungan ako.
Aalis na ako papuntang Maynila. Hindi na rin ako nakapag paalam kay Ate Miriam dahil hindi siya okay dahil sa nangyari sa kanila ni Adonis.
Kagaya namin ni Abraham ay nagtanan din sila ni Adonis. Pero sa bandang huli ay umuwi siya kasama si Kuya Venezio habang mugto ang mata at tulala sa kawalan. Mukhang alam na yata niya.
At isa pa, umalis na rin papuntang Maynila sina Adonis. Oo, sina. Dahil walang natirang Santiago dito sa Samar. Kahit 'yong pinsan nilang si Vivoree at 'yong Tita Sanya nila.
Maraming na apektuhan sa pag-alis nila. Umalis din sina Jennyrose para pumunta ng america. Hindi namin alam kung para saan, eh.
"You're so taba na. I'm not thankful because you're baboy na. Why kasi he make you tanan tanan pa, di ba?" Maarteng tanong ni Monique at may pairap-irap pa. Siguro kapag nalaman niya ito paglaki niya maco-cornihan siya sa pananalita niya.
Tinakpan naman ni Kuya Rainillo ang bibig ni Monique nang sabay namin siyang tingnan mula sa dulo ng kaluluwa niya. "Mag-ingat ka na lang doon, Faith." Pilit niya akong nginitian at binalingan ang kapatid niyang walang ka-alam alam.
"Apaka ingay mo, laglag kita sa dagat pag nabanas ako sa'yo." Hinila niya na si Monique paalis na nakangiwi habang nandidiring nakatingin sa nakakatandang kapatid na sinesermunan na siya.
Bago ako sumakay sa bangka ay sumulyap muna ako sa kanila. Hinahanap ng mata ko si Tita Maureen, pero walang Tita Maureen ang nahagip ng mga ito. Or sadyang masama pa rin ang loob niya sa akin hanggang ngayon.
Alam ko kasing labag sa loob niyang tulungan ako. Dahil sino ba naman ang gugustuhing tulungan ang babaeng dahilan kung bakit nasira ang buhay ng anak mo, di ba?
Pero parang tumigil ang pag galaw ng mga nasa paligid ko nang makasalubong ng bangka sinasakyan ko ang bangka nina Abraham na binenta na raw.
Biglang naglaro ang imahinasyon ko. Parang nakita ko siya na nasa bangka habang nakangiti na tila ba excited na maka-uwi ng bahay namin para makita ako.
Ayon 'yong iniisip ko noon habang magkasama kami. Hindi ko inaasahan na malalaro 'yon ng imahinasyon ko ngayon.
Mapait akong napangiti. Kung na saan man siya ngayon sana ay bantayan niyo siya lord.
Alam kong makasalanan ako. At hindi kapatawad-patawad ang mga nagawa ko. Pero nandito ako at tila isang hibang na nagdadasal para sa kaligtasan naming tatlo.
Sana hindi mo kami pabayaan.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga habang nakapikit ang mga matang nakasapo sa may kalakihan ko ng tiyan.
Nahihirapan kasi akong makagalaw dahil sa tiyan ko at pakiramdam ko bigat na bigat ako. Siguro malusog ang baby namin.
"Baby, huwag mo naman akong pahirapan masyado. Sige ka, magtatampo sa'yo si tatay mo." Tinawanan ko pa ang sarili ko.
Umiling ako kahit pa namamasa na ang mga mata ko. Kailangan kong mag trabaho para may pang gastos ako sa pag-aaral ko at gastos ko sa panganganak ko at gamit ni baby.
Kahit minsan hindi ako masyadong makapag focus dahil sa buntis ako.
"Ms Bilarmino, huwag ka na munang mag-aral. Baka may mangyaring hindi maganda sa baby mo. Gusto mo bang kausapin ko na lang ang parents mo para matulungan ka rin nila?" Mabilis kong pinigilan ang adviser ko at nagmamakaawang umiling.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...