Kabanata 8

12 4 0
                                    

Kabanata 8







Parang gusto kong tumakbo palabas para habulin si Mommy at humingi ng tawad. Pero alam ko namang hindi ko na siya maabutan.





Gusto ko rin sanang magpasama kay Kuya kaso lang iniwan na niya ako at pagkatapos noon ay hindi na niya ako papansinin.






Umalis na rin ako sa pagkakatulala sa hallway namin sa taas bago pa ako makita nila, hindi nila p'wedeng malaman na nagkakagulo ang pamilya namin. Sa pagbaba ko rin kanina ay hindi makatingin sa akin si Kuya Cedrix at nanatili ang kalamigan sa kaniyang mukha lalo na nang mahagip niya kanina ako.






Malungkot akong nag iwas ng tingin. Inaasahan ko na iyang ganiyang trato niya sa akin matapos nang nangyari kanina. Walang nakakapansin sa pag iwas sa akin ni Kuya dahil palagi naman siyang ganiyan. Para siyang may sariling mundo.







Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palabas ng mansyon. Tahimik ang mansyon dahil sa pag-alis ni Mom. Pati si Tita Maureen ay parang apektado, nakita ko kasi itong nakatulala sa bintana. Nakatanaw siya sa labas kung saan nakatayo si Mommy kanina.






Umiwas ako ng tingin at bahagyang yumuko. Pakiramdam ko kasalanan ko ito, siguro kung nakinig ako sa paliwanag ni Mommy ay mapapakiusapan ko pa siya na huwag umalis kasi alam kong mahal na mahal ako ni Mommy at papakinggan niya ako.






Ako ang prinsesa niya kaya makikinig siya sa akin at lahat ng gusto ko ay gagawin niya.







Mahigpit ang hawak ko sa panyo ni Abraham habang naglalakad. Sa bawat lakad ko kasi ay ang mukha ni Mommy na nagmamaka-awa ang sumasagi sa isipan ko, iyong huling tagpo sa hallway namin. Napapa-isip ako na gano'n din ba ang ginagawa niyang pagmamakaawa para lang hindi iyon gawin sa kaniya ni Daddy?







Parang sumisikip ang paligid ko kaya tumakbo na ako palabas ng Casa. Parang binibiyak ang puso ko at nagsusumigaw sa sakit.







Nag-tanong tanong ako sa mga nakakasalubong ko kung alam ba nila kung saan nakatira si Abraham.






Tinuro naman nila sa akin, ang layo pala. Pero noong makarating ako banda sa kanila ay halos tanaw ko ang liwanag na nanggagaling sa Casa.







"Tao po?!" Sigaw ko habang tumitingin sa paligid. Nasa gate pa lang nila ako na yari sa kawayan.







Napatingin naman ako sa bintana nang may sumilip doon. Isa iyong magandang babae, maputi siya at makinis. Ang ganda ng mga mata niya ang pupungay, bahagyang singkit ang mga mata niya at mukha siyang diwata na may pagka anghel.








"Inay! May tao!" Sigaw niya habang nakatingin pa rin sa akin.





Parang binabasa niya ako lalo na ang mukha ko kaya nag iwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa pagkailang.







Nakakatakot siyang tumitig. Parang iyong mga diwatang nagagalit na may mayroong mga maaamong mukha.






Bumaba naman bigla ang tingin ko nang may lumabas sa silong nila at nakita ko si Abraham. Mukha pa siyang nagulat nang makita ako at mabilis na nagpunas ng kamay at mukha.







Nangunot naman bigla ang noo ko. Wala namang dumi sa mukha niya pero nagpupunas siya.






Samantalang bumaba naman sa hagdan ang isang babae na mukhang nanay ni Abraham.




Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon