Kabanata 27

17 4 0
                                    

Kabanata 27




Pagkatapos noong araw na 'yon pakiramdam ko katapusan na ng mundo.



Lalo pa noong mapagtanto kong may baby talaga sa loob ng t'yan ko.

"H-hindi s-siya p'wedeng mabuhay..." Sumagi ka agad sa isip ko ang lahat ng mga pangarap nina Mommy sa akin, na sinira ko lang.

Ayon ang palagi kong sinasabi sa sarili ko at susuntukin ang t'yan ko pagkatapos habang umiiyak. Pero kapag nagigising ako sa reyalidad ay ilang ulit din akong humihingi ng tawad sa baby ko habang nanginginig ang tiyan.


Wala siyang kasalanan kaya hindi ko siya dapat saktan. Bakit ba ganito ako mag-isip? Hindi na ako ito.

"Ilang araw kang magmumukmok diyan? Pati pagkain hindi mo magawa? Ano na lang ang mangyayari sa bata?" Malamig na tanong sa akin ni Kuya Leonard habang blangko ang mukha.



Parang nangangaral din ang tinig niya na may kasamang inis. Parang gusto niya akong sigawan at sampalin para lang matauhan ako na may isa pang nabubuhay sa katawan ko.



Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi ko. "Wala na kami ng ama ng baby ko..." Mahinang sagot ko na ikinaayos niya bigla ng tayo, kumuyom din ang kamay niya kaya naglabasan lalo ang mga ugat niya sa kamay.

"What the hell?!" Mahinang anas niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong napayuko.


"Hindi niya alam—"

"Then why don't you tell him about the baby?"

Nilaro ko ang kamay ko. Natatakot ako sa awra niya at sa paraan ng tanong niya sa akin. Parang judge sa korte ang awra niya. Nagsusumigaw sa dilim, bigat at para bang nasa mga kamay niya ang batas.


Hindi ko rin naman siya masisisi kung magagalit siya dahil ilang araw na akong hindi lumalabas sa kwarto ko. Maging sina Mommy at Daddy ay nagtataka na rin at kinakatok na ako.

Bigla na lang akong humagulgol ng iyak sa kaniya. Nalaman ko lang 'yon nang maramdaman ko ang mainit niyang mga bisig na yumapos sa akin at ang aking pag tangis na akala mo'y katapusan na ng mundo.



"I-i'm s-sorry! I'm sorry...." Umiiling-iling na sambit ko at yumakap sa kaniya pabalik, humigpit ang hawak ko sa t-shirt niya. Na para bang humuhugot ng lakas.




Hinaplos ni Kuya Leonard ang aking ulo. "Shh... It's fine, baby. Don't do it again, okay? Do you understand me?" Malambing niyang tanong sa akin na ikinagaan ng loob ko. Kapag talaga si Kuya Leonard ang kausap ko nawawala bigla ang bigat sa loob ko. Kasi alam ko na hindi niya ako iju-judge.

Ilang ulit akong tumango sa kaniya. Nangangako ako sa sarili ko na iingatan ko ang sarili ko maging ang baby ko. Hindi ko na siya ulit sasaktan.



"Baby ko, papalubog na ang araw sa dakung silangan. Na ipinta ko na rin ang kahel na kalangitan. Sa tingin mo ba mananalo tayo sa paligsahan?" Pag kausap ko sa baby ko at pasimple kong hinaplos ang tiyan ko.


Ayaw ko kasing pag-isipan nila na buntis ako kahit totoo naman. Ayaw ko lang na makarating ito sa mga magulang ko at kumalat sa buong Samar dahil magbibigay iyon ng kahihiyan sa aming angkan.




Kilala kaming mga Bilarmino na may payapang pamumuhay. May katarungan at mabait. Palagi naming winewelcome ang sino mang nais pumasok sa aming tahanan. Kaya maging ang ka away namin ay naririto na rin.


Hindi namin alam kung kaaway ba namin sila o kapanalig. Hindi iyon iniisip ni Papa Lo dahil ang mahalaga sa kaniua ay nakakatulong kami sa kanila. Dahil lalambot daw ang galit sa puso ng tao kapag naging mabait ka sa kaniya na bukal sa puso mo at ramdam niya na nakikipagkaisa ka.


Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon