Kabanata 31

21 2 0
                                    

Kabanata 31





Bakit hindi na lang niya sinabi sa akin at kailangan pa akong gamitin?



Humahagulgol akong umatras nang tangkain niya akong abutin. At hindi lang 'yon dahil sinuntok siyang muli ni Brent sa sikmura sabay hila sa akin.





Bigla naman akong napahawak sa t'yan ko. Natatakot kasi ako na baka kung mapaano bigla ang baby na nasa t'yan ko.


Nang makalabas kami ng bahay ay rinig na rinig ko ang pilit na sigaw ni Abraham sa akin. Tinatawag niya ako sa pangalan ko. Nagmamakaawa siya na huwag akong sumama kay Brent.

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang tumutulo ang luha ko. Ang sama ng loob ko, ang bigat-bigat dahil sa nalaman ko. Hindi ba pwedeng kahit isang beses lang ay tumanggi siya at magpaliwanag?

Binawi ko ang kamay ko na hawak ni Brent kaya sumama ang tingin niya sa akin. "Let me go! Maglalakad ako mag-isa!"

Mas humigpit lang lalo ang hawak niya sa kamay ko. "Please lang, Senyorita. H'wag na matigas ang ulo!"



Sa inis ko sinipa ko ang gitna niya at nagmamadaling tumakbo na may pag-iingat para makalayo sa kaniya.



Pero sa pag takbo ko ay hindi iyon patungo sa lalaking paulit-ulit na tinatawag ako sa pangalan ko. Kundi sa sakayan ng mga bangka para bumalik na sa piling ni Mommy.




Hindi ko iniinda ang putik na dumidikit sa mga paa ko at ang ambon na unti-unting sinasalo ng katawan ko.


Pag dating sa daungan akmang sasakay pa lang ako sa bangka nang may humawak sa siko ko. Nang lingunin ko 'yon ay mukha ng matandang babae na nagtitinda palagi ng mangga ang sumalubong sa akin.


Inabutan niya ako ng balabal. "Naku, hija. Mag pandong ka, masama ang maambunan."


Halos maluha-luha kong tinggap ang balabal na abot niya at mabilis na sumakay ng bangka nang matanaw sa di kalayuan ang paika-ikang si Brent.


"Manong sa Zumarraga po!" Nagmamadaling sinabi ko kay Manong. Dali-dali niya ring binuhay ang makina ng bangka nang mahalatang natataranta ako at panay ako lingon sa direksyon ni Brent.




Sinabihan ko muna si Manong driver na babayaran ko na lang siya pag balik ko kasi wala sa akin ang pera ko. Hindi naman ito nag dalawang isip na um-oo dahil kilala niya ako dahil isa akong Bilarmino, at madali lang akong mahahanap.


Ganoon din sa trycicle driver. Nasa gate pa lang ako pero napapaatras na ako sa takot, dahil natatakot akong makita ang galit sa mga mata nila at pagka-dismaya sa akin ng mga magulang.



Pero mas nanaig sa akin ang sakit at frustration nang maalala ko ang mga sinabi ni Abraham.


Kinapa ko ang dibdib ko dahil sa pag kirot nito. Napatakip din ako sa bibig ko para pigilan ang pag iyak ko na huwag lumakas. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw sa galit, lungkot, sakit at pagka-dismaya.




Yakap-yakap ko ang sarili ko habang naglalakad sa maputik na daan ng Casa. Parang masama ang pakiramdam ko, ramdam ko ang pag-iinit ng balat ko. At sa tingin ko ay magkakasakit pa nga ata ako.


Pero lahat ng 'yon ay binalewala ko habang papalapit nang papalapit sa mansion. Na unti-unting nagsisilabasan ang mga tao sa loob at biglang nagkagulo at nataranta nang makita ako, lalo na ang ayos ko.



Tinakbo ako ka agad ni Mommy nang makita ako. Nangingislap pa ang mga mata niya ng luha. 'Yong yakap niya sa akin ay napakagahigpit, parang takot na takot siyang malamang imahinasyon niya lang na nandito ako sa harapan niya.



Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon