Kabanata 23
Nakakatakot si Abraham. Parang tao siya na biglang nag transform bilang halimaw kapag nagagalit or kapag may bagay na nakakapag trigger sa kaniya.
Pero kahit natatakot ako sa kanya ay mas nangibabaw pa rin sa akin ang pagkamuhi kay Mharissa.
Nasasaktan ako sa mga sinabi ni Abraham sa akin dahil sa kanya. Hindi ko matanggap kahit na totoo naman.
Pero ang hindi lang talaga matanggap ng pinakadulo ng puso ko ay 'yong galit ni Abraham sa akin na halos patayin niya na ako.
Ito ba talaga ang resulta ng ginawa ko? Bakit parang pinaparusahan ako? Karma ba ang tawag dito?
"Anak, bati na kami ng Mommy mo. Hindi na siya magpapakasal kay Arthur, salamat anak ha? Kasi nandiyan ka pa rin sa amin para suportahan kami," nakangiting sabi sa akin ni Daddy. Makikita mo ka agad sa mga mata niya na sobrang masaya siya tapos 'yong ngiti niyang hindi mapunit-punit.
Napangiti rin ako kahit sa loob-loob ko ay nasasaktan ako at nalulungkot dahil pakiramdam ko nakagawa ako ng kasalanan sa kanila. Parang pinagtaksilan ko sila dahil sa ginawa ko. Doon ko lang na realize na mali 'yong ginawa ko.
Lalo na 'yong ako na ang binababoy dahil sa kamalian ko. Di ba dapat matuwa ako na wala na sila at nawala na sa landas ni Mharissa si Abraham? Pero bakit hindi ko magawang sumaya? May kulang.
At 'yong kulang ay 'yong dating Abraham na nakilala ko. Mas mabuti pa pala 'yong dati na malamig siya sa akin kaysa sa ngayon na ibang tao na siya.
Nag-iba ang Abraham ko dahil sa akin.
Mas lalo siyang naging malamig sa akin, at ginawa niya nga ang sinabi niya sa akin noon na hindi ko mararanasan ang sumaya sa piling niya.
Pero nagkakamali siya. Kasi kahit sinasaktan niya ako ay nagagawa ko pa ring maka-ngiti sa kaniya. Kasi mahal ko siya, hahanap at hahanap pa rin ako ng daan para sumaya sa piling niya kahit mababa na ang tingin ko sa sarili ko. 'Yong pakiramdam na parang ubos na ako, pero mapupuno 'yon bigla kapag makikita ko 'yong mga mata niya at pinapakita niya sa akin na may pag-asa pa ako sa kanya.
Kahit malamig siya kung tumingin sa akin ay nararamdaman ko pa rin sa mga mata niya ang pag-asa para sa aming dalawa.
Naniniwala ako na mawawala ang galit sa puso niya.
Naniniwala ako...
"Mag bihis ka na," malamig niyang utos sa akin habang nakatalikod sa akin.
Nasa paanan ko siya. Nasa barn kami kung saan may unang nangyari sa amin, hindi na pinupuntahan ang lugar na 'to. Nitong nakaraang buwan ko lang nalaman, dahil na rin siguro sa sobrang layo ay hindi na pinagpupuntahan ni Papa Lo ng mga magsasaka niya.
Naging tambayan namin ito ni Abraham maliban sa ilog na malapit sa kubo niya na nasa loob ng gubat ni Papa Lo. At dito namin ginagawa ang lahat ng gusto namin.
Pinanood ko lang si Abraham na magsindi ng sigarilyo at mag buga ng usok. Kakatapos lang namin mag labas ng init ng katawan, pero mabilis ding bumalot ang lamig sa aming dalawa dahil sa kalamigan niya.
Lumamlam ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Natuto na rin siyang manigarilyo, binawalan ko siyang gawin 'yon pero nasampal niya lang ako.
Ang sabi niya h'wag ko raw siyang pakialaman. At kung ayaw ko raw sa mga naninigarilyo itigil na raw namin ang kung anumang mayroon sa aming dalawa dahil hindi raw siya natutuwa.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...