Kabanata 4

26 4 0
                                    

Kabanata 4





Para akong pinapatay habang nasa mansyon, kitang kita ko kasi kung paano mag plastikan sina Mommy at Daddy sa harap nila Mama La.

Ginusto ko naman iyon pero parang hindi ko kaya. Parang mabigat sa loob ko na makita silang gano'n. Ganap na ganap ba naman iyong pagpapanggap.


Bumaba ako ka agad ng kubo nang makita ko ang mga pinsan kong lalaki na naglalakad palabas ng mansyon.




Sinalubong ko pa sila. Nginitian naman ako ni Kuya Danilo nang matanaw niya ako. "Oh? Bakit ka nandito?" Takang tanong pa niya sa akin habang naka-ngiti.



Mabait sila sa amin kasi sila raw ang kuya at dapat sila ang maging modelo namin sa kabaitan. Pero hindi halata kasi sila pa ang nangunguna sa pagiging pasaway at pakikipag-away.

Tanda ko pa noong isang araw na may babaeng nag eskandalo rito dahil kay Kuya Rainillo kasi ghinost daw siya ng pinsan ko. Tapos si Kuya Danilo naman ay nakipaglaro ng basketball para lang i-judge ang mga kalaban niya, ayon nagkainitan ng ulo pero imbes na si Kuya Danilo ang matanggal ay ayon pang kalaban nila ang tinggal.


Inakbayan ako ni Kuya Leandro at ginulo bahagya ang buhok ko.

"Kuya!" Angal ko nang matanggal ang hair pin sa bangs ko.


Tinawanan niya muna ako bago kunin sa damo ang hair pin ko na nalaglag.


"Ang hilig niyo namang mag bangs, kamag anak niyo ba si dora?" Nakatanggap siya ng batok mula kay Kuya Rainillo at pabirong hinead block.

"Dapat sa'yo sinusuntok sa mga muscle ko eh."


Tinawanan ko sila. Kapag talaga kasama ko sila nawawala ang lungkot ko. Pinapasaya nila ako, sana palagi na lang ganito.



Kinausap ako ng pinaka matino sa kanilang lahat at gentleman. Si Kuya Leonard. May hawak pa itong libro kaya napanguso ako, palagi na lang kasi siyang may dalang libro kahit saan siya mag punta. Si Kuya Venezio rin, mabait din siya at matino. Halos silang dalawa lang yata ang matino sa mga pinsan kong lalaki.

"Sama ka sa amin dadalaw kami sa mga magsasasaka ni Papa Lo?" Kahit malamig siyang magsalita makakapa mo pa rin doon ang pag-iingat.

Tama nga ang usap-usapan patungkol sa kaniya. Malamig siya magsalita at siya iyong klase ng tao na walang paki-alam sa lahat. Pero kahit gano'n ay mabait siya dinadaan niya lang sa kalamigan niya. Iginagalang niya ang mga kababaihan dahil ayaw niyang makasakit ng babae.

Ngumiti ako sa kaniya at yumakap sa braso niya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa sa ginawa ko pero hindi naman niya ako pinigilan o pinalayo. Siya talaga ang pinakapaborito kong pinsan maliban kay Ate Miriam.

"Sasama po ako, Kuya! Nakakabagot din po kasi rito." Sabi ko pa at tumawa nang malakas.

Tumango si Kuya Leonard sa akin at mahinahong sinaway ang mga pinsan kong nagbabatuhan na naman ng mais. Hilig talaga nilang mambato para silang mga bata, kapag talaga ako hindi nakapag timpi makikibato na rin ako.

Nakakatuwa silang panoorin. Minsan kapag ganito sila parang gusto ko na lang kuhanan sila ng video, kasi pakiramdam ko mawawala rin ang ganitong hobby nila.


Sana palagi na lang kaming ganito. Kasi kung mawawala man ang nakaugalian naming ganito ay parang mas lalong wala ng silbi ang buhay ko. Mas paborito ko pa sila kaysa sa pinsan ko sa side ni Mommy, puro arte at kayabangan lang naman ang alam sa buhay.




Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon