Kabanata 24
"Is she doing fine?"
Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang kalmadong boses ni Kuya Leonard.
Naguguluhan ako kung bakit nandito siya at kung nasaan ako.
"She's okay, hijo. Mag-ingat lang siya na huwag matutumba or mahuhulog kasi makakasama para sa baby niya iyon," kalmado namang sagot sa kanya ng boses ng babae.
Nangunot lalo ang noo ko sa sinabi niya.
Baby?
Nagmulat ako ng mata at dumako agad 'yon kay Kuya Leonard na tinanguan ang doktora.
Bigla siyang napalingon sa akin nang maramdaman ang marahan kong pag galaw.
"Gising ka na pala. How's your feeling? Are you feeling alright?" Bigla siyang nag-alala, nawala rin ang malamig niyang tinig na palagi niyang ginagamit sa tuwing magsasalita.
"I'm fine," mahinang sagot ko at tumingin sa doktora na naka-ngiti sa akin. Ngiti pa lang niya ay parang may kung ano ng humaplos sa loob ng tiyan ko.
Weird.
"A-anong baby?" Nautal pang tanong ko at tumingin kay Kuya Leonard pagkatapos.
Hindi ako pwedeng mabuntis. Ayaw kong maging ina, hindi ako mahilig sa bata. Dahil ayaw ko ng bata, I don't like taking care of kids or babies. I hate them, I loathe them.
Ayaw ko na may dumagdag sa mga problema ko. Lalo na't hindi ako mahal ni Abraham, ano na lang ang sasabihin ko sa bata kung lumabas siya sa mundo at mag tanong kung bakit hindi kami nag sasama ng ama niya.
Nilapitan ako ni Kuya Leonard at hinaplos niya ang aking ulo pagkakuwan ay nginitian ako nang matamis.
"You're pregnant, Faith. There's a baby in your womb, pretty cousin," natutuwang sabi niya na ikinamasa naman ng mga mata ko.
Halatang hindi ko matanggap na may nabubuhay sa loob ng tiyan ko.
Nilingon ni Kuya Leonard ang doktora para senyasan na iwan kami. Malungkot na ang mga mata ni Kuya Leonard nang tumingin siya sa akin.
Napatakip ako sa bibig ko at inalo naman niya ako.
"I-i don't l-like the b-baby," hirap na sambit ko sa kanya. Yumuko siya at bahagyang umiling sa akin.
"Don't say that, baby. You should like your baby, because this baby is from you. You should learn how to love her or him. All your heart, like how you like her/his father," malamlam ang mga mata niya na pilit akong pinapakalma.
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Natatakot ako na baka gano'n din ang isipin ni Abraham kagaya ng iniisip ko ngayon.
Niyakap ako ni Kuya Leonard sa ulo at marahan niya akong hinalikan doon kaya medyo kumalma na rin ako.
"You should take a res-"
"Ipapalaglag ko ang bata," Malamig na putol ko sa kanya kaya nangunot ang noo niya. Parang hindi niya nagustuhan ang katagang lumabas sa bibig ko.
"Are you out of your mind, Faith?!" Gulat na tanong niya, parang hindi siya makapaniwala na sa akin pa nanggaling 'yon.
"I don't like kids, Kuya Leonard. I loathe them, I hate them for crying out loud. Ayaw kong may aalah-"
"Sana inisip mo 'yan bago mo ginawa 'yon," napaka lamig na ng boses niya. Malayo sa boses niya kanina, para siyang nabuhusan ng malamig kaya nagbago bigla ang timpla niya.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomansaCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...