Kabanata 6

14 4 0
                                    

Draft ko itong ginagawa, at dahil nagising ako ng mga ipis sa amin hindi na ako nakatulog. Takot nga ako sa ipis ih. Sarap ng tulog ko napapanaginipan ko pa iyong mga nangyari sa demon slayer at muichiro bebeqohhh. Tapos mamamatay lang?! ヽ('д´;)/

Kabanata 6





"So bakit ka nandito? Paano ka na punta rito?" Tanong ko kay Abraham habang marahang hinahawi ang mga sanga na nakaharang sa dadaanan ko.



Nasa likod ko siya at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Para rin akong natutunaw sa mga mata niya at nalalasing. Parang nanghihina rin ang mga tuhod ko at parang distracted ako sa presensiya niya. Kaya hindi ako makalakad ng maayos.



"Paumanhin, Senyorita, kung nagambala ko ang paliligo mo. Balak ko sanang maligo kaso nakita ko po kayo..." Humina ang boses niya kaya sinilip ko siya. Kagat niya ang ibabang labi niya at mukhang nahihiya siya.



Bigla akong napangisi na nag likha ng tunog kaya nagbaba siya ng tingin sa akin.


"Nahihiya ka?" Hindi ko alam sa kaniya pero simpleng tanong lang iyon pero parang nanghahamon ang dating sa kaniya.



"Hindi po!"

"Bakit namumula ka?"


"Mainit po kasi at...at.."


"At?" Bahagyang tumaas ang kilay ko sa kaniya. Nagtaas baba naman ang kaniyang lagukan kaya napanguso ako.


"Wala po..."

"You're cute today. Parang hindi ka naging masungit sa akin kahapon, " nakangusong sagot ko na biglang ikinatigil niya sa paglalakad.



Napatigil din ako sa paglalakad at nilingon siya. Pinangunutan ko siya ng noo nang makitang naka-ngiti siya ngunit hindi siya sa akin naka tingin. So sino ngini-ngitian niya?



Malapit ko na talagang isipin na may nakikita siyang multo. Sabi ko na eh, may mumo talaga sa gubat na ito noon pa kaya siguro kami ayaw papuntahin nila Papa Lo rito!


"H-hey!" I called him. Tumingin naman siya sa akin. Habang ako naman ay parang batang dahan-dahan na humawak sa laylayan ng t-shirt niyang kulay itim at bumabakat pa sa balikat niyang malapad at braso na mabato.


"Do you have a third eye?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya kaya siya naman ang napakunot ng noo.

"Po?" Takang tanong niya, nalilito siya kung tatawa ba siya o hindi kasi napakaseryoso ng mukha ko habang naka tingin sa kaniya.



"Third eye! Like nakakakita ka ng ghost!"


Dahan-dahan naman siyang umiling sa akin habang kagat ang ibabang labi. "Eh sino ngini-ngitian mo?" Bigla akong napalayo sa kaniya.





Nginitian niya naman ako kaya biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa tibok ng puso ko, at ayon na lang ang tanging naririnig ko.



Nagtataka tuloy ako kung bakit ko ba naramdaman ito. Na bakit tumitibok ang puso ko nang ganito kalakas at bakit parang nakakaramdam ako ng kung anong spark kapag malapit siya sa akin?





"Sa'yo ako naka-ngiti, Senyorita."


Sa'kin? Ano namang ginawa ko para mapangiti ko siya ng gano'n kalaki?

Biglang sumagi sa isip ko ang plano namin ni Kuya Leandro. Bigla akong nakonsensya, kawawa pala ang Abraham na ito kapag ginawa ko siyang toy ko. Mukhang soft hearted siya at inosente.

Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon