Kabanata 38

57 4 2
                                    

Kabanata 38








Ilang linggo kong tinapos ang wedding gown para kay Cindy at coat para kay Abraham.


At mamaya na ang kasal nila. Nakatulala lang ako sa invitation card na hawak ko.


Ayaw kong pumunta pero may isang parte sa akin ang gustong pumunta.


Ayaw ko ring makita ang anak ko. Dahil pakiramdam ko kapag nakita ko siya ay mas lalo akong masasaktan, dahil hindi ko man lang siya na bigyan ng isang masayang pamilya.




Si Marco rin ang palagi kong pinapaharap sa dalawa. Dahil hindi ko talaga sila kayang makita, dahil parang pinapatay na nila ako sa sobrang sakit.

Ilang araw ko ring pinupuntahan sa school si Febriella. Kapag nakikita niya ako palagi siyang nakatingin sa akin na para bang kinakabisado niya ang mukha ko.


Hindi rin siya nagdadalawang isip na sumama sa akin kapag inaaya ko siyang mag ice cream.


"Hindi ka ba natatakot sa akin na ilayo kita sa mga Tito mo?" Nag-aalangan pa akong sabihin ang Tito dahil hindi naman niya Tito si Abraham.




Dumila muna siya sa ice cream niya. "Nope poh. Why poh akoh magagalit if you treat me po ng ice cream?" Inosenteng tanong niya sa akin na ikinangiti ko.



Wala sa sariling hinaplos ko ang tuktok ng ulo niya. "Siguro kung nandito ang Mama mo matutuwa siya sa'yo kasi ang cute-cute mo at mabait pa. At sure ako na palagi ka no'n ililibre!"


"Hindi po ba ikaw ang Mama ko?" Tumibok bigla ang puso ko sa sinabi niya.


"H-hindi."



Lumungkot ang itim na itim niyang mga mata. "But I always saw your picture to Uncle Abraham's room."



Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Bakit may pictures ako kay Abraham? Ilang years na ba niya akong minamanmanan?


"I hope you're my mother. You're kind kasi. And I hope Uncle Abraham is my father even sometimes he was hurting me. Magkamukha pa naman kami, " malungkot na sabi ng bata na ikinapantig ng tainga ko.




"He's hurting you?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


Dahan-dahan naman niya akong tinanguan. At para akong sinaksak dahil doon. "Opo, because he hates me when I'm crying kasi po I'm so ingay daw po."


Parang gusto kong maiyak sa sinabi niya. Naalala ko pa rati ang sinabi sa akin ni Abraham na gusto niya ang anak niya lalo na ang iyak nito kasi alam niyang buhay ito.



"I'm sorry..." Punong-puno ng kahulugang sambit ko.

Mapait namang ngumiti ang bata sa akin. "It's fine po. Tito Papa Adonis always telling me na Papa Abraham loves me thats why he's hurting me." Ngumiti ang labi niya sa akin kasabay ng pagtulo ng luha ko. "My father loves me po, Ate Faith."


Alam ng anak namin na si Abraham ang ama niya. Sinabi ni Adonis kay Febriella, pero hindi nagsasalita ang anak ko.


Mas nasasaktan ako para sa kaniya. Parang hindi ko kayang matulog na gano'n ang nalaman ko. Lalo na ngayong ikakasal na si Abraham kay Cindy.


Wala na ba talaga akong magagawa? Wala na ba talagang chance?

"Goodbye..." Naglalakad na si Cindy sa red carpet.


Pangarap ko 'yon dati eh. Sa dami ng pangarap ko iyon ang pinaka gusto kong matupad. Na hindi pinatupad.



Pangarap ko ang maikasal kay Abraham. Pangarap na pangarap na malabong matupad.

Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon