Kabanata 19
"Hay nako, hija, mabuti na lang at bumalik ka ulit sa akin ay sa amin pala!" Natutuwang sabi sa akin ni Ma'am Lucas at mahina pa niyang pinalo ang braso ko.
Isa siyang teacher na grade 9 pa lang ako ay inaabangan na ako sa Senior.
Tinawanan ko naman siya. "Ako rin po." Plastik ko pala.
"Ilang taon kana nga ulit, dai?"
Napaisip ako. Na sanay kasi ako na sixteen ako kaya nasasabi ko 'yong dati kong edad kahit nadagdagan na ang edad ko.
"Seventeen na po," nakangiting sabi ko.
"Seventeen? Akala ko eighteen ka na?" Ay desisyon si ma'am ng edad.
Akward naman akong tumawa at bahagyang umiling. "Ay hindi po!" Sagot ko at pilit na ngumiti.
Nag enroll lang naman ako tapos humantong kami sa ganito. Aalis na sana ako kaso lang nakita ako ni Ma'am Lucas bigla. Kasama ko ang mga pinsan ko sa pag enroll kaso sa kabilang building pa ang mga matatanda ko ng pinsan kasi mag kokolehiyo na sila.
Ang nasa building lang ng Senior ay kami nina Mharissa at Jennyrose. Kaso lang biglang nawala sa paningin ko si Jennyrose nang matapos siyang mag fill up ng mga papel kaya ang kasama ko lang ay si Mharissa, na hindi pa umiimik at tanging nakaharap lang sa libro niya at seryosong nagbabasa. Nakasalamin pa siya, siguro malabo mata niya.
Pero bagay naman sa kanya 'yong salamin niya. Itim tapos maputi pa siya at may katangusan ang ilong, pointed nose kamo. Siya 'yong angel version ni Tita Maureen.
Actually hindi namin siya tinatawag na Maureen kapag magsasalita na kami, kasi minsan napapagalitan niya kami kasi ayaw na ayaw daw niya na tinatawag siya sa pangalan niyang 'yon. Solicia na lang daw.
Si Monique kasi ang sungit tingnan ng mukha. Nag-mana sa nanay niya na parang may galit sa mundo. Kaya kapag nakasimangot siya nagiging kamukha niya lalo ang mama niya. Tapos si Kuya Rainillo boy version ni Tita, ang g'wapo! Kaya rin maging lalaki ni Tita eh. 'Yong boyish ang dating? Bagay sa kanya. Kahit ano naman bagay sa kanya, gano'n daw talaga kapag maganda.
Pero ang ipinagtataka lang namin ay kung ano ang mukha ng father nila Kuya Rainillo. Kasi kahit picture ng tatay nila wala si Tita. Parang ayaw niyang ipakita, gano'n ang pakiramdam ko.
Siguro may nagawa si Tito kaya gano'n na lang siya kung itago ni Tita.
Pero sa kabila ng kasungitan ng mukha niya at istrikta sa loob ng kwarto niya roon mo maririnig ang mga hikbi niyang impit na ayaw iparinig sa iba.
"Abraham!" Mabilis na sigaw ko nang makita ko siyang lumabas ng bakod nila.
Nilingon naman niya ako at nakita ko pa ang bahagyang pagsasalubong ng kilay niya nang mamukhaan ako.
Pero kahit ganoon ay nakangiti pa rin ako sa kaniya kahit nakaka-kaba ang pagiging suplado niya sa akin.
Lalambot din 'yan.
Huminto ako sa pag takbo nang makalapit sa kaniya at lumingon sa likod niya. Tinitingnan ko lang kung wala ba si Lily epal.
Bahagya namang nangunot ang noo ni Abraham nang mapatingin ako sa kanya. Kanina pa pala niya pinapanood ang pagtingin tingin ko sa likuran niya kaya napanguso ako.
"Chine-check ko lang kung wala kang kasama."
"Wala si Lily kung siya ang hinahanap mo," mabilis na sagot niya at mabilis din akong tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...