Kabanata 3
Sino naman ang mamamatay sa putik? At hindi ka naman malulunod doon. Kaya paano niya nasabi na magpapakamatay ako?
Nakapikit lang naman ako habang dinadama ang simoy ng hangin na tumatama sa katawan ko. Tapos bigla na lang siyang sisingit.
Pero kung si Monique ang mahuhulog diyan paniguradong mamamatay talaga siya sa sobrang pandidiri.
Umawang ang mga labi ko at nagpabalik-balik ang tingin sa binatilyong kaharap at sa panyong nasa paanan ko pa rin.
Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nakaawang ang kaniyang mapupulang mga labi habang nakatingin sa panyo.
"Lalabhan ko na lang. " mabilis kong sinabi at tinangka pang lumuhod nang pigilan niya ako.
Hinawakan niya ang aking siko kaya gulat akong nag angat ng tingin sa kaniya at nasalubong ko ang seryoso niyang mga mata.
Bahagya pang nag salubong ang makakapal niyang mga kilay.
"Huwag na. Masyadong maganda iyang damit mo para lang marumihan," malalim ang boses na sinabi niya bago binitawan ang siko ko at siya na ang lumuhod para kunin ang narumihan na panyo.
Damit ko ba ang maglalaba ng panyo niya?
Napahawak ako sa siko ko ng wala sa oras at sa hindi malamang dahilan.
Lumunok ako at pinanood siyang damputin iyon. Dapat ay may sasabihin ako at gagawin pero tila naging ugat sa lupa ang aking mga paa at tila napipit ang aking dila.
Bumukas sara ang bibig ko. "U-umh... A-ahh... ano..." hindi ko matuloy-tuloy ang mga sasabihin ko dahil sa kaba.
At hindi ko alam kung para saan iyon.
Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata na mas ikinagimbal ng puso ko.
Para akong nauubusan ng hininga. Fvck! Anong nangyayari sakin?!
Tumaas bahagya ang kilay nito na animo'y nag tataray. "Ano? Natameme ka na yata riyan. " dahil sa sinabi niya ay nagbalik ako sa mundo.parang inaasar niya rin ako kaya nag-init ang pisngi ko.
At para akong sinampal ng kahihiyan ng mapagtantong nakatitig pala ako sa mukha niya.
Parang gusto kong lamunin na lang ng lupa dahil sa sinabi niya. Shit! Hindi ko rin alam kung nag tatanong ba siya dahil nandon 'yong pang-aasar eh!
Umikot ang bilugan kong mga mata. "T-tameme raw-"
"Nauutal pa." pag putol niya sa akin at humalakhak.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi dahil sa sobrang hiya.
"Tumigil ka nga!" Nababanas na pigil ko sa kaniya kaya mas lalo siyang tumawa nang malakas.
"Bakit nahihiya ka?" Tanong niya sa akin sa kabila nang pag-tawa.
Huminga ako nang malalim at kinuha ang panyo na nasa kaniyang kamay nang walang pakundangan. Doon na siya tumigil sa pag-tawa.
"Ako na ang maglalaba! " singhal ko at inirapan siya. Namumula ang aking pisngi dahil sa hiya.
Nagkibit-balikat siya na animo'y sumusuko na pero na roon pa rin ang munting ngiti sa kaniyang mapupulang mga labi. Nakakaasar na ngisi na medyo nang-aakit kahit hindi naman ako inaakit.
Nag-iwas ako ng tingin. Sakto natanaw ko sa aking gilid ang tumatakbong sina Monique at Jennyrose.
May kahulugan pa ang klase ng tingin ni Monique sa kaharap ko na hindi pa rin iniiwas ang tingin sa mukha kong nakasimangot. Na mas lalong sumimangot nang mapagtantong pinakatitigan niya pala ako na hindi ko alam.
Hindi ko na kinakaya ang klase ng pag-titig niya sa akin kaya naman sinalubong ko iyon. Hindi mapangalanang kuryente ang dumaan sa bawat ugat sa sistema ko nang makasalubong ko ang kaniyang mga mata.
Kahit pa itim ang mga iyon alam kong may pilit na emosyon ang nagtatago roon.
Itim na mga matang hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.
"Hinahanap ka namin nandito ka lang pala... " medyo hinihingal pang sabi ni Jennyrose nang makalapit.
"Sorry... " tanging na sabi ko na lang dahil sa biglang paglalakbay ng isip ko, iniisip ko kasi kung saan ko nakita ang mga matang iyon.
Ang sumagot naman sa akin ay si Monique, na hindi nag-iiwas ng tingin sa kaharap ko. Na tila ba sa oras na umiwas siya ng tingin ay may gagawin itong masama, kaya alerto ito.
"Halikana."
Katamtaman lang naman ang tono ng boses niya, pero hindi maiwasan doon ang takot. Hinawakan pa niya ako sa kamay.
Ang lamig ng kamay niya at dumiin ang hawak niya sa kamay ko at doon ko napagtanto na hindi pa pala ako lumalakad. Na parang wala pa nga yata akong balak na lumakad.
Bahagya kong nilingon ang lalaki at nakita kong nakamasid pa rin siya sa amin lalo na sa akin.
At nang magtama ang aming mga mata ay nginitian niya ako. At dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko ay nag-iwas lamang ako ng tingin sa kaniya. Kaya nag mukha akong snob.
At hindi ko rin nakita ang reaksiyon niya. At mahalaga pa ba sa akin ang magiging reaksiyon niya sa ginawa kong pag-iwas ng tingin, imbes na suklian ko ang pag ngiti niya sa akin?
Half of mine was guilty, I dunno why. Siguro dahil sa parang may kasalanan siya at pinagbibintangan sa klase ng pag tingin ni Monique sa kaniya kanina? At sa pag-iwas ko rin ng tingin. Pero ano naman ang kasalanan niya?
Nang makalayo na kami ay mabilis akong hinarap ni Monique. Kamuntikan pa kaming magkabungguan, dahil hindi ko inaasahan na haharapin niya ako.
Napaka seryoso ng mukha niya. At bahagyang salubong ang kilay. Kita ko pa ang simple niyang pag sulyap sa lalaking nasa likuran namin na malayo na.
Lumingon din ako. Naglalakad na ito papalayo sa amin, at kung kanina ay wala siyang kasama. Ngayon ay mayroon na. Babae iyon, maputi ang balat at halatang may kaya. Nakangiti ito sa kaniya at masayang nag kukuwento.
Napaiwas ako ng tingin at parang may biglang bumara sa lalamunan ko dahil sa tagpong iyon.
Biglang sumagi rin sa isip ko ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ko iyon.
"Layuan mo siya ate gurl! " bahagya pang hinila ni Monique ang kamay ko para mapalingon ako sa kaniya.
Nangunot ang noo ko.
"Bakit?"
Bakit ako iiwas? Wala namang masama ah? At saka mukha naman siyang harmless.
Inirapan ako ni Monique na tila ba nauubusan na ng pasensiya.
"Kasi poor lang sila duh?! It is hard ba to understand?! " naiiritang sagot niya at na-iirita ring nagbuntong-hininga.
"Eh ano naman? " dahil sa tanong kong iyon ay napanganga siya. Like hindi niya inaasahan na sa akin pa manggagaling ang tanong na iyon.
"Basta layuan mo na lang! Ewan ko ba kasi kayna Papa Lo kung bakit hinayaan nila na mag trabaho sa atin 'yan?!"
Ngayon lang ako nakaramdam ng inis kay Monique.
Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko. Lalo na sa nakitang galit sa mukha ko.
"Kung papalayuin mo ako na ganiyan ang mga sinasabi mo, h'wag ka nang mag abala pa, Monique. Kaya ko na ang sarili ko, " malamig na sagot ko at iniwan na silang dalawa.
Ngayon lang ako sumabog sa galit. At ang matindi pa ay dahil doon.
-
Shini: sorry sa late update binago ko kasi 'yong ibang scenes at plot para makaabante ako hahaha.
Don't forget to vote, comment and share your thoughts my shinecils^^
Katamad i-edit huhuhu
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
Roman d'amourCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...