Kabanata 2

40 6 0
                                    

Kabanata 2


"Dalaga kana, Faith. Ilang taon kana nga ulit? " natutuwang tanong ni Mama La sa akin habang pinupugpog ako ng halik sa mukha.

Pilit na ngiti lang ang aking ipinakita sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para patigilin sa ginagawa.

"I'm fourteen years old now na po, Lola, " sagot ko naman. "Mama La. Can I go now to upstair? I'm just tired," matamlay kong dugtong.




Natigilan si Mama La at napatingin sa aking magulang na tahimik lang na nasa aking likuran.





Pagod akong nag iwas ng tingin lalo na nang ngitian niya ang dalawa. Bigla akong nakonsensya, wala kasing alam si Mama La sa nangyayari sa mga magulang ko.





Naramdaman ko ang pag baling sa akin ni Mama La kaya tiningnan ko siya.



"O-okay. Take a rest, hija. Malayo pa nga pala ang b'yahe niyo. " si Mama La at sinundan niya iyon ng isang pekeng tawa.





Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi bago ako umakyat sa taas.





Habang naglalakad ako papalayo sa kanila ay walang hinto-hinto sa pag tulo ang aking mga luha.




Wala namang nakakakita sa akin kaya hinayaan ko nalang ang mga iyon na magsitulo sa aking mga pisngi.




Nang makarating ako sa aking k'warto at maisara ang pinto ay tila nanghihina akong napasandal doon hanggang sa hindi ko na namalayan na humihikbi na pala ako.




"Ate Faith, are you okay? " narinig kong tanong ni Daniela mula sa likod ng pinto na kinauupuan ko ngayon.




Napatakip ako sa aking bibig para hindi niya marinig ang aking mga hikbi.



Lumunok ako at sinubukan na maisakatuparan ang pagiging maayos na pagsasalita.





Ayaw ko na malaman niyang umiiyak ako.






Pinilit ko kasi sina Mommy na umakto na hindi sila nagkasakitan ng damdamin ng bawat isa. Ayon yung pinagawa ko sa kanilang regalo sa akin, kahit pilit lang okay na. Basta kasama ko pa sila at nakikita na mag kasama kahit pa set up nalang ang lahat.





"Y-yes! I'm okay! " sagot ko.


"Are you sure—" I cut her off. Ayaw kong pahabain pa ang usapan na ito, para kasing susuko na ang lalamunan ko.



"Yes. Like what I said I'm okay! " sabi ko at binigyang diin ang huling sinabi.






Nawalan ng imik si Daniela akala ko pa nong una ay wala na siya pero nagkakamali ako nang mag salita siya upang mag paalam sa akin. Ngunit mahina na iyon sa pagkakataong ito.




"O-okay.... A-aalis na ako. Mag pahinga kana lang diyan. Nandito pala 'yong favorite mong pancake, ilalapag ko na lang dito. "




Napapikit ako nang mariin at isinandal ang ulo sa pinto.




"I'm tired... " mahinang bulalas ko sa kawalan.





Sinubukan kong ibangon ang sarili para buksan ang pinto at kunin ang iniwan ni Daniela sa labas ng aking k'warto.





Walang gana kong kinuha iyon at pinilit ang sarili na maglakad patungo sa side table upang malapag doon ang tray ng pancake at gatas.






Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon