Kabanata 13
Dalawang taon, dalawang taon na simula noong umalis kami ng Casa at bumalik ulit sa Maynila.
Pero sa dalawang taon na iyon ay wala pa ring nag-bago kay na Mommy at Daddy. Pati sa amin ni Kuya Cedrix. Para kaming nasa malamig na silid na madilim.
Sinilip ko ang aking ulo sa labas ng bintana ng sasakyan at hinayaan kong tangayin ng hangin ang mahaba kong itim na buhok na nagkukulay brown sa tuwing nasisinagan ng araw.
Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papunta ng Casa. Nandito na kami ulit sa Samar, hindi na ako pupunta pa ng Maynila dahil dito na ako titira at magtatapos ng pag-aaral.
Nang makarating ako sa Casa ay tumakbo na ako ka agad, habang nasa gate pa lang iyong sasakyan. Hininto kasi panandalian iyon ni Daddy dahil bubuksan kami ng gate nang bumaba ako bigla.
Narinig ko pa silang tinatawag ang pangalan ko pero nag patuloy lang ako sa pag takbo papasok ng gate. Hinayaan kong salubungin ako ng sariwang hangin at bumakat sa aking katawan ang suot kong maxi summer dress na may pagka light green at may printed na sunflower.
May kwintas ako na corrals ang pendant. Bahagya iyong nagagalaw sa pag takbo ko kasabay ng dulo ng dress ko na ang haba ay hanggang sa ibabaw ng paa ko.
Naka flat sandal din ako habang hawak ko sa aking kanang kamay ang summer hat ko.
"Faith! Come back here!" Narinig ko pang galit na sigaw sa aking muli ni Daddy habang nagmamaneho siya.
Hindi naman ako nakasagot dahil naunahan ako ni Kuya Cedrix na tila nagsisimula ng mapikon sa akin.
"Don't mind her, Dad. Just let her do what the fvck she wants." Umirap pa siya sa akin nang lingunin ko ang sasakyan namin.
Ang huli ko na lang na narinig ay ang pagsaway sa kaniya ni Mommy dahil sa pagmumura niya.
Napangisi naman ako. Buti nga sayo!
I hate my brother because he always annoying me with his words. Parang minsan binabara na niya ako. Kahit maiksing salita ko humahaba na lang dahil sa pagiging mapang-asar niya pero hindi kagaya noong mga asaran ng mga magkakapatid.
Iyong kaniya kasi ay may kasamang galit at inis. Hindi pa rin yata nakaka-move on sa two years na iyon.
Hindi maputik ang daanan ng Casa dahil matirik ang araw ngayon at hindi rin naman umulan kagabi.
Excited akong pumasok sa loob ng mansyon. Nagtititili pa ako nang makita ko si Ate Miriam na kakalabas lang galing sa kusina at may bitbit na isang platito ng mani na sure akong hiningi na naman niya sa mga magsasaka.
Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Mabilis niya ring binitawan ang platito sa lamesa ng sala at patakbo akong nilapitan at niyakap nang mahigpit.
Niyakap ko rin siya pabalik. Hindi kasi ako nakapag paalam sa kaniya ng maayos noong umalis kami ng Casa dahil nga sa mga nangyari sa kaniya.
Ni halos hindi siya lumalabas ng kwarto niya noon at palagi na lang siyang nagwawala at hindi maka-usap ng maayos. Kulang na lang ay injectionan na siya para lang kumalma.
Pero kung ikukumpara mo siya sa rati ay masasabi ko na huwag na lang. Kasi nakakatakot eh, baka bumalik na naman siya sa rati na halos walang pinapansin at kinakausap. Hindi rin siya kumakain noon mabuti na lang at matiyaga si Kuya Venezio, dahil na rin siguro sa nag-iisa na lang niyang pamilya si Ate Miriam dahil namatay noon sina Tita at Tito Leucus sa car accident.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...