Kabanata 21

21 4 0
                                    

Kabanata 21





Lalasingin ko muna si Abraham at lalagyan ko ng pampainit ng katawan ang tuba niya. Robust yata ang tawag doon.


Ilalayo ko siya sa mga kasama namin para masolo ko siya at para maisagaw ko na ang plano ko.



Wala akong nahanap sa botika kaya nag punta ako sa k'warto ni Kuya Danilo. Ang alam ko kasi mayroon siya no'n, naririnig kong hinihingian siya ng mga pinsan kong lalaki lalo na si Kuya Jarrel. Kung si Kuya Leandro playboy si Kuya Jarrel naman fuckboy, pareho lang sila ni Kuya Danilo eh. Noong una nandidiri pa ako habang tinititigan 'yong isang box no'n, nakakadiri kayang malaman na may ganito siya. Meaning may paggagamitan siya or baka ginagamit niya. So eww ha.




Mabilis lang akong kumuha roon at wala na rin akong pakialam kung kanino niya gagamitin iyon basta maisagawa ko lang ang plano ko.



Desperada na talaga akong magkahiwalay sina Abraham. Nagagalit ako na halos sumabog na ako. Hindi ko lang matanggap na pinatulan niya si Mharissa na halos kaedaran ko lang matanda lang sa akin 'yon ng buwan eh. Hindi ko alam kung ilang buwan kasi wala naman akong pakialam sa pinsan kong 'yon. Sabi pa niya rati hindi siya pumapatol ng mas bata pa sa kaniya pero sila ni Mharissa.


Simula nang kasuklaman ni Mharissa si Ate Miriam dahil sa na basag na frame kinasuklaman ko na rin siya kahit wala siyang ginagawang masama sa akin. Ayaw ko kasi na may nang-aaway kay Ate Miriam.




"Abraham, h'wag kana munang umalis may parti tayo!" Narinig kong pagpigil ni Manong Ben kay Abraham nang makarating ako.


Halos kumpleto silang lahat sa kubo at nagkakasiyahan. Malalakas pa ang mga tawanan nila at kasama nila ang mga asawa nila maliban lang sa asawa ni Kuya Dan na si Ate Lyda.





"Oo nga naman, Abraham. Huwag ka munang umalis. Let's party, okay?" Gatong ko at naglakad sa kanila palapit. Nilingon niya ako at kita ko ang galit sa mga mata niya pero nginitian ko pa rin siya.





"Iinom ka?" Malamig niyang tanong sa'kin pero parang wala lang sa kaniya na uminom ako. Parang nag tanong lang siya para makitaan na may pakialam sa akin, pero wala naman talaga.





Lumaki ang ngiti ko. "Yes, wala namang masama roon, ah?" Pa-inosenteng tanong ko. Ayaw ko lang makakutob siya, hirap kasi akong magsinungaling.




Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at parang nandidiring nag iwas ng tingin. "Hindi valid reason 'yan para payagan kang uminom. Minor de edad kapa rin. Kaya kung ako sa'yo umuwi ka sa inyo at mag-aral ka."



Para akong na insulto sa sinabi niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko. Pero bumalik din iyong muli. Hindi ako papatalo. Gagawin ko ang lahat para lang magawa ko ang gusto ko. Gagawin ko ang lahat para sa kasiyahan ko at walang makakapigil sa akin kahit pa makasakit ako ng damdamin ng tao.




Hindi ko siya sinagot at nagtungo sa mga kasama naming napatigil sa pag iinom ng tuba. Nakatingin silang lahat sa amin ni Abraham at laglag ang mga panga. Mukha rin silang clueless at gulat at the same time dahil kung mag-usap kami ni Abraham ay para kaming close, close na magka-away.




Well, siya lang naman 'yon. Hindi naman kaaway ang tingin ko sa kaniya.



Ang tingin ko nga sa kaniya asawa ko eh. Asawa ko na nagloloko.






Kumuha ako ng dalawang plastic cup at tinagayan naman ako ng isang binatang magsasaka nang makatunog na iinom ako ng tuba.


Tiningnan ko ito. "Thanks, Oli." ngumiti ako sa kaniya.




Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon