Kabanata 14
Hindi natuloy ang kasal sana nina Mommy at Tito Arthur dahil sa akin.
Umiiyak kasi ako noon at panay ako pakiusap kay Mommy na huwag muna nilang ituloy ang mga plano nila.
Hintayin nila na mag legal age ako dahil sure naman ako na kapag tumuntong ako sa legal age ko ay sila na ni Daddy ang ikakasal. Pero walang nakaka-alam kayna Mama La iyong tungkol dito. Ang alam lang nila ay gusto ng makipag hiwalay ni Mommy kay Daddy.
Umaasa pa rin ako na magkakabalikan pa sila or may chance pa para sa kanila.
Kaso nga lang seventeen na ako pero wala pa ring nangyayari. Si Daddy kasi napaka torpe niya masyado binibigyan ko na nga ng tips ayaw pang sundin kasi nahihiya raw siya.
Gano'n talaga siguro kapag masyadong mabigat iyong nagawa mong kasalanan sa isang tao.
Inabutan ko si Mommy ng graham na abala sa pagtatahi. Ngumisi naman ako. "Bigay ni Daddy, baka raw po ginugutom ka na," pagsisinungaling ko habang nakangisi. Dinamihan ko pa iyong lagay ng graham sa mangkok para talagang isipin niya na nag-aalala sa kaniya si Daddy.
Kita ko naman ang ngiting pilit na itinatago ni Mommy nang tanggapin niya ang mangkok na may lamang maraming graham.
"Gawa niya rin po 'yan," pahabol ko bago umalis.
Sunod ko namang pinuntahan si Daddy na kasalukuyang nag-aayos ng pick-up niya.
May itim pa sa pisngi niya na nagmula sa pick-up niya yata.
Patakbo ko siyang nilapitan at inabutan ng puting panyo. "Pinabibigay ni Mommy." Bigla namang napatitig si Daddy sa hawak kong panyo at napatingin sa likod ko kaya lumingon din ako sa likod ko.
Nagulat ako noong makita ko si Mommy na nasa sala habang naka-ngiti kay Daddy kaya napangiti na rin ako.
Iniwan ko na sila para magkaroon naman sila ng kilig moments. Pero nawala iyong ngisi ko nang may humila sa akin papunta sa likod ng mansyon.
Hindi ako nakita nina Mommy dahil nag-uusap na sila. Inis ko namang binalingan ang Kuya Cedrix ko na siyang humila sa akin.
Bahagyang nakasalubong ang mga kilay niya at masama ang tingin sa akin. "What the fvck are you doing?!" Galit ding tanong niya kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Ano ba?! Wala naman akong ginagawang masama!" Salubong ang kilay namang sagot ko at pilit kong binabawi ang siko ko mula sa kaniya.
Hindi ko nabawi ang siko ko mula sa kaniya dahil mas dumiin lang ang hawak niya roon. "You can't fix this family, Faith. So stop wasting your fvcking time trying to be a fvcking hero and good fvcking bullshit daughter," mariin niyang sinabi at pilit na hinihinaan ang boses niya na lumalakas.
Nagsimulang mamasa ang mga mata ko at hindi na ako nakapagtimpi at sinampal ko na siya.
Tumabingi ang mukha niya at kita ko pang umawang bahagya ang mga labi niya.
Nabitawan niya rin ang siko ko kaya nag simulang kumuyom ang mga kamao ko sa galit. "Bakit mo'ko minumura?!" Hindi ko na napigilan ang hikbi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/333087864-288-k191662.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...