Kabanata 16

14 4 0
                                    

Kabanata 16



Sila na kaya? Siguro oo, sa tagal kong nawala rito wala akong balita sa kanila. Baka siya iyong girlfriend na tinutukoy ni Abraham sa amin noon sa sakahan.



"Ate, tara! Puntahan natin iyong nakita kong paliguan!" Tawag ko kay Ate Miriam sabay hila sa kaniya.



Mukha kasi siyang malungkot habang nakatingin sa kung saan. Siguro iniisip na naman niya ang yumao niyang anak.

At para mawala ang pag-iisip isip niya tungkol sa yumao niyang anak ay niyaya ko siya.



Pag punta namin doon ay tuwang-tuwa siya. Nasa pinakadulo kasi iyon at hindi madaling makita at bihira lang mapuntahan, dahil pag katapos ng maisan ay may nakaharang pang malalaking kahoy.

"Wow, ang ganda naman dito. At saka mukhang mapaso hot spring ang dating ng tubig!" Lumapit pa siya lalo at sinawsaw ang kamay sa coconut hot spring.


"Aha!" Biglang sigaw ng boses ni Kuya Leandro sa likod ko kaya mabilis namin siyang nilingon.



Kasama niya halos lahat ng mga pinsan ko maliban lang kay Mharissa.

Lumakad silang lahat sa coconut hot spring. At nagtampisaw na ka agad si Kuya Leandro at tinapon na lang basta-basta sa kung saan ang damit niya at tinira ang nike na short niya.



Binalingan naman ako ni Kuya Danilo at kinindatan at nag thumbs up pa sa akin bago tumalon sa coconut hot spring. "Good job, doll! May paliguan na tayo!" Biglang sigaw niya at patakbong tumalon sa coconut hot spring kaya nagtalsikan ang mga tubig sa amin.




Napasimangot ako sa kanila pero napatili ako nang bigla akong buhatin ni Kuya Rainillo at itinapon sa coconut hot spring.



Kaya pagkabangon na pagkabangon ko sa tubig ay masama ang tingin ko sa kaniya. Panay naman sila hiyawan dahil sa ginawa sa akin lalo na ang mga boys p'wera lang kay Kuya Leonard na sinasaway kami na huwag masyadong mag-ingay.


Ginulo pa ni Kuya Danilo ang buhok ko at pabiro akong hinead block.


Tarantado talaga sila. Mga mang-aapi!





Binubully nila kami di porket mas matanda sila sa amin!



Ganiyan talaga sila makipagbonding kasi lalaki. Can't relate nga kami minsan kapag wrestling na ang topic nila.


"Teka, na saan pala si Cedrix?" Biglang tanong ni Kuya Rainillo.


Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa mga pinsan ko para hanapin siya. Baka kasi nakatago lang siya sa mga likod-likod dahil matatangkad ang mga pinsan ko lalo na ang mga lalaki.

Oo nga. Wala nga siya. Saan na naman kaya nag punta iyon?



"Nag judge sa singing contest." Napatingin kaming lahat kay Kuya Leonard na nag-iisang hindi naliligo sa coconut hot spring.


Nakahalukipkip siya habang seryosong nakatingin sa amin.


"Bro, ayaw mo maligo?" Tanong sa kaniya ni Kuya Leandro at pasimple pa niya itong winisikan ng tubig.


Bahagya namang nagsalubong ang kilay ni Kuya Leonard dahil sa ginawa ng kambal niya. "No. Babantayan ko na lang ang mga damit niyo." Pag kasabi niya ay tumalikod ito at na upo sa isang malaking bato na may kaunting kalayuan mula sa amin.



Sumimangot naman ako at biglang sumamang muli ang tingin kay Kuya Rainillo na binibigyan na ako ngayon ng what look.




Sinugod ko siya. "Nabasa damit ko!"







Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon