Kabanata 34

23 2 0
                                    

Kabanata 34





Mabait na bata si Febriella. Hindi siya iyakin at mahilig siyang matulog kaya hindi ako masyadong nahirapan sa kaniya.





Kaya sa tuwing napapatingin ako sa maamo niyang mukha ay parang gusto ko siyang ipagdamot sa ama niya. Ayaw ko siyang malayo sa akin dahil alam kong mas ikimamatay ko 'yon.




Pero isang katok ang nagpabago ng tadhana naming mag-ina.



Pag bukas na pag bukas ko pa lang ng pinto ay isang sampal ang sumalubong sa akin galing kay Tita Maureen.




"Ang kapal naman ng mukha mong hindi ibigay 'yang bwisit mong anak sa ama niya?!" Galit na galit na sigaw niya sa akin at malakas akong tinulak at nagpunta sa duyan ng baby ko.




Mabilis ko naman siyang sinundan at tinulak nang makitang tinatangka niyang kunin sa duyan ang anak ko.




Naiiyak kong kinuha ang anak ko at tumingin kay Tita na para bang isang kriminal. "Tita, tama na! Patawarin mo na kami!" Umiiyak na pagmamakaawa ko.




Pero umiling lang siya sa akin habang nanunuklam ang mga matang nakatingin sa aming dalawa ng anak ko.




"Bakit nabuhay p-pa siya?" Nabasag ang boses niya na siyang ikinamasa lalo ng mga mata ko.


"Nailigtas ko nga kayo pero ang sarili ko namang anak ay napabayaan ko." Napaatras siya at sinapo ang basang mukha dahil sa luha.




Humigpit ang yakap ko sa anak ko at humagulgol.


Puno ng pait ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Bakit parang hindi ka naghirap na puta ka?" Masama ang loob na tanong niya sa akin at binato ako ng bote ng gatas ng anak ko.



Mabilis kong hinarang ang sarili ko sa anak ko na nasa bandang dibdib ko. Tiniyak ko na ako ang matatamaan sa ulo at hindi siya. Dahil masyado pang sensitive ang ulo niya.



"Tita, tama na po!" Nagsunod-sunod ang pagbato niya sa akin.





Dahil sa ingay naming dalawa ay nagsipasukan ang mga kapitbahay namin dito sa loob at pinigilan si Tita.



Pilit nilang pinapalayas ang Tita ko na halos patayin na ako sa tingin.


"Ito ang tatandaan mo! Hindi ko ipapalasap sa'yo ang isang magandang buhay at pagiging ina mo sa batang iyan! Sisiguraduhin kong mamamatay siya kagaya ng pagkamatay ng apo ko!"



Nanghihina akong napa-upo at umiiyak na hinalik-halikan ang anak ko na umiiyak na.




Bahagya ko pa siyang inalog-alog para ibalik sa pagkakatulog. "Shhh, baby. It's okay na, okay lang si mama..."






Matapos ang tagpong iyon ay nagsimulang umiyak nang umiyak ang anak ko na sobrang lakas na akala mo ay mayroong iniindang sakit.



Hanggang sa nalaman kong may sinat siya. Lahat na ng ospital pinuntahan na namin ay walang tumatanggap sa amin. At isa lang na tao ang kilala kong gagawa nito.




Si Tita Maureen.




"Baby, kay Mama mo na lang ibigay ang sakit mo. Hawaan mo na si Mama para mawala na ang sakit mo," umiiyak na sambit ko habang kinakarga ang umiiyak kong anak.



Maririnig mo sa boses niya ang labis na paghihirap. Na para bang may tumutusok sa kaniya sa loob niya.


Naaawa ako sa baby ko kaya lahat na ginawa ko para lang makakuha nvpera pampagamot niya. Pero hindi pa rin iyon sapat para sa kaniya.



Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon