Kabanata 11
"Hindi po ako pumapatol sa bata..."
Hindi ko alam kung ilang beses na akong napapatulala habang naririnig ko iyon kahit wala na si Abraham. Para pang sirang plaka sa tainga ko.
PEDO na nga wala pang chance!
Nagkakagulo rin sa Casa dahil nawawala si Ate Miriam. Tapos nabalitaan pa na may namatay na magsasaka sa loob mismo ng Casa, pinagbibintangan nila ang Tito Lucas ko dahil ito raw ang huli nitong na kasama.
Nasa sofa si Tito Lucas. Nakayuko siya habang sapo ang mukha.
"I didn't kill him!" Nanginginig ang katawan niya at makikita mo ang takot sa mukha niya. "H-he killed himself..."
Napatulala na lang ako dahil hindi pa roon nagtatapos ang lahat. Naging matunog din na may ginahasa raw ang isa sa mga pinsan ko. Ang bintang nila ay si Kuya Venezio kaya napatingin ako kay Daddy na nakatulala. Wala sa mga pinsan ko ang may sala.
Matagal na na panahon na nangyari iyon pero ngayon lang naging matunog. Imbes na si Daddy ang akusahan ay napunta kay Kuya Venezio dahil sa tangang nagkalat ng maling kwento.
Marumi na ngayon ang mga pangalan namin pero nanatili lang kalmado si Papa Lo dahil alam niyang mali ang akusa kahit totoo ang akusa na may ginahasa pero hindi si Kuya Venezio ang nanggahasa kundi si Daddy.
Wala namang pakialam si Kuya Venezio sa akusa sa kanya dahil ilang araw na niyang hinahanap ang kapatid niya. Kaya lahat ng mga tao rito ay kumikilos.
Dahil sa nangyari sa magsasaka may ilang magsasaka rito ang nag alisan maliban lang kay Sir Andres.
Nakita ko siya na hirap na hirap sa pagtatanim ng palay. Pinupunasan niya ang pawisan niyang noo. Nagtataka ako dahil p'wede naman siyang lumipat sa mga Suriaga at De la Fuentes, hindi ba siya natatakot na mapahamak siya?
Pumunta ako ng kusina para kumuha ng malamig na pitchel at basong plastik para naman mapawi ang init at uhaw niya.
Patakbo akong pumunta sa pwesto niya at tinawag siya. Nilingon naman niya ako kaya tinaas ko ang pitchel na hawak ko. Hindi ko magawang maka-ngiti, pakiramdam ko ay napakalaki ng atraso ko sa kaniya.
"Inom po muna kayo. Baka po himatayin kayo sa init ng araw," nag-aalalang sambit ko at inabot sa kanya ang baso na punong-puno ng malamig na tubig.
Walang salita niya itong tinggap at inisahang laguk niya lang ang tubig sa baso. Halatang nauuhaw talaga siya kaya binigyan ko pa siya ulit.
Pagkatapos ay bumaling ako sa palayan. "Sir, bakit po kayo nag tra-trabaho? Hindi po ba kayo natatakot sa pamilya namin?" Mahinang tanong ko at tumingin sa kanya, gusto ko lang makita ang galit na inaasahan ko. Pero iba ang nakita ko.
Nakita ko na naman ang genuine niyang ngiti. "Naku, hija. Matagal ko ng kilala ang pamilya niyo kaya naniniwala ako na hindi iyon totoo sadyang may umaagrabyado lang sa pangalan ninyo." Sabi pa nito at tumawa pa.
Napangiti naman ako at niyuko ang aking hita at pinaglaruan ko ang mga daliri ko.
"Sir, gaano po kalaki ang tiwala niyo na hindi kaya ng pamilya ko gawin ang bagay na iyon?"
"Simple lang, hija. Kilalang-kilala ko si Senyor Remus. Hindi niya hahayaan na may gawing kahalayaan ang mga kadugo niya. Naku! Lumaki iyon na puno ng respeto kahit pa babaero ang mga pinsan mo." Sabi niya at tumawang muli pero may halong lungkot doon.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomantikCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...