Kabanata 20
Gagawa ako ng paraan para maglayo sila. Gagawin ko ang gusto ko at walang makakapigil sa akin. Akin lang siya.
Pero sana ganoon lang kadali na makuha siya, ano?
Paano kung totoo nga 'yong sinabi ni Tita? Paano kung mahal niya talaga si Mharissa? Edi wala akong laban? Pero gagawin ko ang lahat mapasaakin lang siya, kung hindi madaan sa paspasan daanin na lang natin sa dahas.
Birthday gift ko na rin sa sarili ko ito. Dalawang buwan na lang birthday ko na. At ayaw kong maulit ang kaarawan ko sa rati. Masyadong malungkot at maraming kulang.
"What is that?" Kuryosong tanong ko kay Manong Ben na parang may sinasalin sa malaking galon na ang asim ng amoy.
Mabilis naman akong nilingon ni Manong Ben. "Ah, Senyorita. Tuba po."
Nangunot ang noo ko. Ngayon lang ako nakarinig niyan.
"Tuba? What is tuba? Juice ba 'yan? Pahingi naman." Lumapit ako para manghingi.
"Alak po ito, Senyorita. Hindi po juice."
Napalayo ako bigla sa kaniya. "Nakakalasing ba siya sobra?" Dahan-dahang tanong ko sa kaniya.
"Opo, kapag po masyadong matapang ang tuba ay nakakalasing po ito. Malalasing kapo ka agad lalo na po kung bago ka lang sa pag inom ng tuba."
Napatango-tango ako. Biglang may pumasok na plano sa utak ko.
"Free ba kayong lahat mamayang gabi?" Biglang tanong ko sa kaniya kaya napatigil siya sa pagsalin ng tuba.
"Bakit po, Senyorita?"
Nginitian ko siya na para bang walang binabalak na masama. "Mag pa-party tayo!"
Nangunot ang noo niya at nagtaka sa sinabi ko. "Parti?" Matigas na tanong niya.
Napangiwi ako."Iyong ginagawa po tuwing piyesta?"
"Inuman po ba? Bata pa po kayo eh, kaya bawal po sa inyo ito." Nagpangamot siya sa batok niya.
Napakamot ako sa ulo ko kahit di naman makati. "Hindi po ako ang iinom. Kayo po, sasamahan ko lang po kayo kasi nagpapasalamat din po ako kasi nag tra-trabaho po kayo sa amin," nakangiting paliwanag ko kaya napatango-tango naman siua habang nakangiti.
"Ah gano'n po ba? Sige po, Senyorita. Maraming salamat po, pero hindi niyo na po kailangang gawin 'yon. Sapat na po sa amin ang makatulong dahil bumabalik din naman po ang tulong namin sa inyo," nahihiyang sagot niya pa. Napangiti naman ako.
"Basta po mag pa-party po tayo mamaya!"
Hindi na nakaawat pa si Manong Ben sa gusto ko kaya lumaki ang ngiti ko.
Nakangiting humarap ako sa likod ko pero unti-unti ring napawi iyon nang makasalubong ko ang malalamig na mga titig sa akin ni Kuya Leonard.
"K-kuya..." Bigla akong namutla.
Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa hamba ng pader ng kusina.
Hindi niya ako sinagot. Binalingan niya lang si Manong Ben na inutusang lumabas. Kaya kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng kusina kaya mas ramdam ko ang pag bigat lalo ng kusina dahil sa awra niya.
Nakakatakot talaga siya kapag seryoso siya. Titig pa lang niya sa akin ay halatang alam na niya ang plinaplano ko.
Hindi na ako magtataka dahil magaling siyang kumilatis ng tao.
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...