Kabanata 22
Na gising ako na halos magliliwanag na. Dahan-dahan naman akong bumangon at napangiwi pa ako nang kumirot ang nasa baba ko at tiningnan ko si Abraham na mahimbing na natutulog.
Wala siyang damit pang-itaas at hindi ko kayang tingnan ang baba na nasa pagitan niya.
Napalunok ako at nag iwas ng tingin doon at hinanap ang cellphone ko. Nakabagsak iyon sa dayami na malapit sa kinahihigaan namin ni Abraham kagabi.
Gosh, hindi ko pa rin ine-expect na nagawa namin iyon sa lugar na 'to pa talaga.
Marahas akong umiling. Kailangan kong maka-alis na para maipakita ko kay Tita Maureen na hindi loyal si Abraham kay Mharissa.
Ipapalabas ko na nagloloko si Abraham kaya may nangyari sa amin. And after that magagalit siya at pagbabawalan niya si Mharissa na makipagkita kay Abraham. Gagawin ko rin itong blackmail kay Abraham, alam ko naman na ayaw niyang mapahiya ang pamilya nila. At kahit anong tanggol pa niya sa sarili niya ay may kasalanan pa rin siya, hindi pa rin siya makakalaban. Uutusan ko siyang makipag hiwalay kay Mharissa para hindi mapanood ng lahat ang nangyari sa aming dalawa.
Bago ako umalis ay tinakpan ko ang ibaba banda ni Abraham ng dayami at mabilis na umalis.
Napa-upo pa ako sa sakit sa gitna ko nang tumayo ako.
Ngiwing-ngiwi ako. Akala ko sabi-sabi lang nila na masakit kapag first time mo, yon pala totoo pala talaga 'yon. Hindi ko rin naman ineexpect na malaki pala 'yong ano ni Abraham.
Wala naman masyadong nagpupunta sa barn ngayong araw dahil linggo ngayon, day off ng mga magsasaka.
Iika-ika akong mag lakad, wala naman masyadong nakakapansin sa akin dahil tulog pa ang mga tao ngayon. Nang tingnan ko kasi kanina ang oras sa cellphone ko ay mag aala sais pa lang.
Tulog pa siguro si Tita niyan kaya naligo muna ako at habang nasa ilalim ako ng shower ay nakatulala ako. Iniisip ko 'yong mga nangyari sa amin ni Abraham.
Hindi pa rin ako makapaniwala na binigay ko sa kaniya. Ang iniisip ko na lang ngayon ay kung ano ang susunod na mangyayari kung sakaling sabihin ko kay Tita Maureen ang tungkol dito at ipakita sa kaniya ang video.
"Where is Tita Maureen?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa mga kasambahay. Wala ako sa mood kasi hindi ko ito natagpuan sa kwarto nito.
"Wala po, Senyorita. Umalis po eh, may pinuntahan pong negosyo baka tatlong araw pa raw po bago siya bumalik dito."
Para akong sinampal sa nalaman kong 'yon. Hindi p'wede 'yon! Dapat makita na niya agad ito!
Inis akong umalis pero natigilan ako nang makasalubong ko si Kuya Leonard na malamig ang tingin sa akin.
Humalukipkip siya kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.
"Ginawa mo talaga," mababa ang boses niya na halatang nagagalit.
I bit my lower lip. "My life, my rule," mariing paalala ko sa kaniya.
Umangat naman ang sulok ng labi niya kaya namutla ako. "Your life, your rule, huh? Nagpapakababa ka para lang sa lalaking 'yon? Godness, Faith! Hindi ka sinilang sa pamilyang ito kung ganiyan ang mindset mo!" Mariing paliwanag niya at kita ko ang galit sa mga mata niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/333087864-288-k191662.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomantikCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...