Kabanata 36

34 2 0
                                    

Not edited.

Kabanata 36







"Ang gaganda talaga ng mga designs mo! Siguro sa kasal mo ikaw din ang gagawa ng wedding gown mo!" Kinikilig na puri sa akin ni Cindy. Para siyang kinikiliting bulate habang nasa tabi ni Abraham na tahimik lang na nakamasid sa mga designs ko habang nakatiim bagang.



Parang sinusunog ng mga mata niya ang mga guhit ko.





"Do you have already a boyfriend na ba? Or baka naman fiance?" Bigla akong napainom ng tubig sa tanong niya.





Hindi sinasadyang napatingin naman ako kay Abraham na nakataas ang kilay habang nakatingin pa rin sa hawak niya na halos malukot na.


"Umh, no po."



Binalingan naman ni Cindy si Abraham na hindi maganda ang timpla. "Are you okay, hon? Is there something wrong? May sakit ka ba?"




Kalmadong umiling si Abraham at tumingin sa akin kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.




"I'm fine. I just feel like I'm started to feel sick because of her designs. Too much cheap for it's price, hon. Are you sure this is what you really want?" Pangiinsulto niya sa akin.




Napatingin naman sa akin bigla si Cindy at nang makita ang reaksyon ko ay pilit ako nitong binigyan ng ngiti. Habang apologetic ang mga matang nakatingin sa'kin.




"Umh... Hon? Can we just try? It's not that cheap like what you we're thinking. It's good and elegant!" Tumango-tango pa siya kunwari.





Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Habang si Marco naman ay hindi na mapakali sa tabi ko at binubulangan pa ako na kumalma.





"Madam, chill lang tayo dahil mawawala talaga ang malaking banana sa atin ay este kliyente pala!" Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian lang ako ng beki.








"Tanga chill lang ako!" Pabalik na bulong ko sa kaniya.





"Madam, hindi halata." Tumingin na siya sa harap namin kaya napatingin din ako sa harap namin.




Nasalo ko ka agad ang mga mata ni Abraham. Walang emosyon doon, kundi ang galit.




Nawalan naman ako ng emosyon at umakto na para bang wala akong nakita at bago ko lang siyang nakilala.




Pero sa loob-loob ko gusto ko ng mamatay. Dahil kada minutong nakikita ko siyang masaya at tumatawa kay Cindy ay para akong unti-unting tinoturtore ng sakit.






Parang pinapamukha sa akin ni Abraham na never siyang sumaya sa piling ko kung makatawa siya kay Cindy. At 'yong paraan nang pag tingin niya kay Cindy ay alam kong hindi ako kayang tingnan ni Abraham ng gano'n.





Galit siya sa akin dahil sa mga sinabi ko. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya kahit five years na ang nakakalipas.





"Thank you again for coming to meet us, Ms Bilarmino," nakangiting sabi sa akin ni Cindy. Nakipagkamay pa siya sa akin.




Nginitian ko lang siya at nagmamadali ko ng kinuha ang sling bag ko dahil gusto ko ng umalis.







"Marco, ikaw na lang humarap sa dalawang iyan. Busy kasi ako masyado," bilin ko kay Marco habang naglalakad kami sa hallway ng kompanya ng Abraham na iyan.







Nagagalit na rin ako sa kaniya dahil tinawag niyang cheap ang mga designs ko. Eh sa totoo nga ay sila ng anak ko ang iniisip ko habang ginagawa ko ang mga designs na 'yan.




Mabilis akong tinanguan ni Marco at saka na kami nag-iba ng daan dahil may mga sarili kaming sasakyan.





At isa pa pupuntahan ko rin ang school na pinag-aaralan ng anak ko. Kanina lang tinext sa akin ni Adonis ang location dahil ngayon lang daw nag-aral ang bata.







Kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi nagsasawa si Adonis na tulungan ako sa anak ko. Tinatanong ko sa kaniya kung may nagbago ba sa anak ko o kung may nangyari bang maganda.




Ayaw ko ring alamin ang first word ng anak ko dahil ayaw kong masaktan. Dahil hindi naman siya nagtagal sa puder ko.





"Manong, nag-uwian na po ba?" Tumitingkayad pa ako sa gate nang itanong ko 'yon sa guard.




Hindi lang ako makapaghintay na makita ang anak ko. Almost five years ko na rin kasi siyang hindi nakita. Hindi ko alam kung ano na ang hitsura niya ngayon.





"Ayan na po pala sila ma'am."



Parang tumigil sa pag galaw ang mundo ko habang titig na titig sa lalabasan ng anak ko. Bawat bata na lumalabas ay pinakatititigan ko.





Red hair clips, strawberry bag, short hair. Ayon ang mayroon sa anak ko na mayroon din sa batang babaeng nasa harapan ko na nakikipagtitigan sa akin habang nakanguso.





"Hi poh! Who are youh poh? You're soh harang poh kasih sa aking way," halatang hirap siyang mag tagalog.





Namasa ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya.


Napahawak ako sa bandang dibdib ko at dahan-dahan ko siyang niluhod. "I'm sorry," nanginig ang boses ko.






Titig na titig ako sa kaniya. Naiiyak ako dahil ang ganda niya, sobrang ganda niya. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang pangalan na ginawa ko. Ang ganda niya kahit hindi ko kamukha ang anak ko, ang ibang postura ng bahagi ng kaniyang mukha ay nakuha niya sa kaniyang ama. Na walang kaalam-alam na kaharap na pala ang sarili niyang anak.




"Febriella," mabigat ang boses na pag tawag sa kaniya ng tao sa likod ko.





Napatayo ako at hinabol ng tingin si Febriella na tumakbo kay Abraham.






"Anak mo?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang totoo.




Mas tumigas ang ekspresyon niya sa tanong ko.





"Hindi."



Parang piniga ang puso ko sa sagot niya. Kung alam niya lang siguro ang totoo ay maging siya ay masasaktan din sa sarili niyang sagot.






Nagbaba ako ng tingin kay Febriella na titig na titig sa akin.





"How are you?" Mahinang tanong ko na halos wala ng lumabas na boses sa bibig ko.





Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Abraham dahil sa tanong ko kaya na gising ako bigla sa reyalidad.







Mukha na silang masaya. Kaya bakit pa manggugulo ako?




Mabilis kong binawi ang sinabi ko. "Umh, sige! Alis na ako! Napadaan lang ako rito kasi na curious lang ako kung paano mag-aral ang mga cute na batang katulad mo!" Katuwiran ko at mabilis na na umalis.





At nang nasa sa sasakyan na ako ay napahagulgol na lang ako ng iyak.



That's my daughter. How I wish someday I can hold her hand again.




That girl is my daughter, she is...She's very beautiful. Mukha ring napalaki siya ng mabuti kasi mukha siyang mabait kaso siksik naman sa dictionary.





Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon