Kabanata 9
Sa tuwing nadadapa ako at nagkakasugat ay ginagamot ni Mommy ang sugat ko. Habang pinapangaralan niya ako ay palagi siyang naka-ngiti kaya rati naisip ko na kapag si Mommy ang nadadapa ay tinatanggap niya. Dahil iniisip niya na pag subok lang iyon sa buhay niya sa pag-abot ng mga pangarap niya.
Kaya habang lumalaki ako at humahantong sa pinaka lowest point ng buhay ko ang ngiti niya ang kalakasan ko at nagpapaintindi na hindi lahat ng mga taong nangangarap ay habang buhay lang na mangangarap.
"Abraham, anong kadalasang ginagawa mo kapag nalulungkot ka?" Tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan nang paglalakad namin.
Nasa likod ko ang aking mga kamay na may hawak na plastik. Inuwian kasi ako ni Sir Andres ng kamote at bagoong, bigyan ko raw si Mama La kasi matutuwa raw iyon kapag natikman niya ang paborito niyang bagoong naluto ni Ma'am Rose at para hindi raw ako mapagalitan.
Noong una nagulat pa ako kasi hindi ko pa nakita si Mama La na kumakain ng bagoong.
"Tumitingala po sa kalangitan, Senyorita," inosenteng sagot niya na ikinatawa ko bigla. Para kasi siyang bata na umaamin sa magulang ng kasalanan.
Nagtataka naman niya akong tiningnan kaya tumigil ako sa pagtawa at kumamot sa leeg. "P'wede bang tingnan ang kalangitan kapag malungkot?" Sabi ko at sinapo ang bibig para pigilan ang hindi matawang muli.
Pinangunutan na niya ako ng noo at namula ang ilong niya at nag iwas ng tingin sa akin. "Totoo po iyon, Senyorita. Minsan po kapag tumitingin kayo sa kalangitan mapapaisip rin po kayo kung anong mangyayari sa iyo kinabukasan, o kaya naman kung anong magiging trabaho mo sa hinaharap o kaya maalala mo ang taong mahal mo!" Katuwiran niya habang nagduduro pa.
Tumaas lang ang kilay ko pero naka-ngiti ako sa kaniya. "Talaga?" Namamanghang tanong ko habang titig na titig sa mukha niya.
Ang liwanag ng maamo niyang mukha na kahit sinong babae ay madadala. Minsan mapapa-isip kana lang kung may bad side ba siya sa amo ng mukha niya. Minsan magpapadala ka sa itsura niya at kakalimutan mo ang masamang nagawa niya o kung babaero ba siya dahil sa mahal mo siya at gusto mo siya.
"Bakit? Ginagawa mo ba iyon?"
"Oo naman, Senyorita. Kaya kapag malungkot ka tumingala ka lang sa kalangitan!"
At kagaya nga nang sinabi noong Abraham na iyon, tumingala nga ako sa kalangitan namin nang lumabas ako sa balkonahe ng kwarto ko. Gabi na noon kaya madilim ang paligid, ang tanging ilaw lang na nagbibigay ng liwanag sa akin ay ang buwan.
Umupo ako sa upuan at inilapag ang mga kamay ko at nilagay doon ang baba ko habang nakatingin sa kalangitan na madilim at maraming bituwin.
Nakatingin kaya siya sa kalangitan ngayon kahit hindi siya malungkot?
Kanina nang maihatid niya ako parang ayaw ko pa siyang umalis. Nakatanaw lang ako sa papalayo niyang bulto at biglang sumagi sa isip ko na sana mag tagal pa ang pag-uusap naming dalawa at pagkakasama na sana mas lumalim pa.
Pinikit ko ang aking mga mata. Tama nga siya. Nakakawala ng lungkot at bigat ang pag tingin sa kalangitan. Pinikit ko ang mga mata ko para pigilan ang mga luha ko, pero isang katangahan lang iyon dahil tumulo lang sila.
Habang tumutulo ang mga luha ko ay ang imahe ni Mommy na naka-ngiti ang sumagi sa isip ko.
Paano niya nagagawang makangiti ng gano'n sa kabila ng mga nangyari sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
عاطفيةCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...