Kabanata 12

18 4 0
                                    

Kabanata 12







Paano ko lalayuan ang mga Santiago kung tinuruan nilang lumambot ang puso ko?






Kagabi natagpuan si Ate Miriam. Yakap-yakap niya ang sarili niya at mukhang hinang-hina siya. Punit ang dress niya at kung makikita mo lang ang labis-labis na paghihirap sa maganda nitong mukha ay para kang dinudurog ng paunti-unti para mas dama mo ang sakit.






Ako ang unang yumakap sa kaniya sabay nang pagka walan niya ng malay.





Ako ang unang nakakita sa kaniya na ng hihinang naglalakad sa maputik na daan ng Casa. Natataranta kong tinawag ang mga pangalan nila.





Nag-iinit din ang katawan niya na parang nilalagnat kaya sinugod siya sa hospital sakto ring nakasalubong ko si Kuya Adonis sa pag labas ng gate sa Casa. Ako lang ang nakakita sa kaniya.





Mabilis siyang nag iwas ng tingin sa akin nang magkasalubong kami ng tingin. May lalaki pang bahagyang humihila sa siko niya kaya nalipat sa kaniya ang tingin ko.





Lumambot ang ekspresyon ko nang makita ko si Abraham. Pero wala pa ring nagbago sa emosyon na ipinapakita niya.






Lumakad sila pero sumunod ako. Wala namang nakakita sa akin dahil nagkakagulo sila at masyadong madilim.






"Abraham!" Muntik pa akong mautal nang tawagin ko ang pangalan niya.






Huminto siya sa paglalakad kaya maging si Kuya Adonis ay napahinto rin. Siya pa ang lumingon sa akin, ang lungkot ng mga mata niya na parang humihingi ng tawad. Pero iyong katabi niya ang gusto kong lingunin ako.






Hindi ako pinatulog ng galit niya sa akin dahil hindi ko naman alam kung bakit siya nagagalit sa akin.






Humakbang siyang muli kaya isang hakbang lang ang aking ginawa para habulin siya. "S-sandali lang! Abraham, mag-usap tayo!" Bakit ganoon? Bakit parang nagmamakaawa ang tinig ko?






Doon na niya ako nilingon kaya pumungay ang mga mata ko.



Binalik niya ang tingin kay Kuya Adonis at bahagya niya itong tinanguan kaya naglakad ito pero hindi siya nito kasama.


"Layuan mo na ako, Faith. At huwag mo na akong lalapitan kahit kailan," madiing sambit niya at sa bawat bigkas niya ng mga katagang iyon ay puro lang poot ang nararamdaman ko.





Namasa ang mga mata ko. "Pero bakit?" Mahinang tanong ko kaya diretso niya akong tiningnan sa mga mata.





Noong una natigilan pa siya nang makita ang pamamasa ng mga mata ko pero bumalik sa pagiging matigas ang ekspresyon niya.






"Huwag ka ng mag tanong. Layuan mo na lamang ako. Ikinakahiya ko ang aking sarili na napalapit pa ako sa kagaya mo..."






Tumalikod siya sa akin kasabay nang pagtulo ng luha ko.






Napayuko ako at pilit na pinunasan ang basa kong pisngi na nasusuklian pa rin ng luha.





Ngayon lang ako nasaktan sa isang tao na biglaan ko lang na nakilala. Ngayon lang kumirot ng ganito ang puso ko. Parang sinasakal ako ng sarili kong puso.






Pero ang mas masakit ay iyong pinapanood ko siyang mag lakad papalayo sa akin. Habang iniisip kung ano bang mali ang nagawa ko at lumamig ang trato niya sa akin.












Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon