Not edited.
Kabanata 37
Nandito sila sa office ko para masukatan. Pero nagtataka ako kung bakit katawan ko ang sinusukatan.
"Same kasi tayo! Parang same hips at lahat na rin!" Sagot sa akin ni Cindy at na upo.
Takang-taka naman ako. Something is wrong. Di ba dapat big deal sa kaniya na hindi katawan niya ang sukatan dahil siya naman ang ikakasal at hindi ako!
Napatingin ako kay Abraham na malamig lang na nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
Tumayo bigla si Cindy nang may mag text sa kaniya. "Oh god?! I have to go now. Ikaw muna rito, hon. Okay? Huwag mong sasabihan ulit si Faith ng cheap ang designs kundi magtatampo ako sa'yo!"
Natatawang tumango sa kaniya si Abraham kaya parang nanuyo ang lalamunan ko.
Pinilit ko ring pakalmahin ang puso ko na nagwawala. Ayaw kong maiwan dito kasama siya.
Ganoon na lang ang pagkalugmok ko nang maalala kong hindi ko pa nga pa pala siya nasusukatan.
Kaya napabuntong hininga ako para kumuha ng lakas at kinuha ang measuring tape at mabilis na nagpunta sa kaniya.
Titig na titig siya sa akin kaya hindi ako mapakali. Parang hinuhusgahan ako ng mata niya.
"Susukatan lang kita," mahinahong paliwanag ko.
"Where do you think we should start?" Ngayon ko lang napansin na nakakapogi pala lalo ang english accent niya.
"Shoulder siguro muna," mabilis na sagot ko dahil gusto ko ng umalis siya sa office ko.
Hinayaan naman niya akong sukatan siya. Punong-puno ng katahimikan ang loob ng opisina ko at pabor ako roon.
"Naging successful ka pala pagkatapos mong ipalaglag ang anak natin? What a bitch," galit na wika niya na nagpatigil sa akin sa pagsusukat sa kaniya.
Pero nagpatuloy ako at hindi pa rin nagsasalita. Mukhang nairita siya sa ginawa ko at hinawakan ako sa pulsuhan. Kaya napatingin na rin ako sa kaniya.
Matapang kong hinarap ang mga mata niya. Napapagod na akong mag tapang-tapangan sa harapan niya na kaya kong panindigan ang sakit na nararamdaman ko noong malaman kong ikakasal na siya.
"Bakit hindi ka magsalita? Bakit? Nasasaktan ka na? Kulang pa 'yan, kulang na kulang."
Namasa ang mga mata ko. "Huwag kang mag salita na wala kang ginagamit na tao para lang pag takpan iyang nararamdaman mo para sa akin," matapang na sagot ko na ikinatawa niya nang pagak.
Para siyang nang-iinsulto sa pamamagitan ng tawa niya. At nagmukha pa akong tangang asumera sa kaniya.
"And you're being a delulu again? Ano ako tanga? Bakit ako mangga-gamit ng tao eh kung totoo naman talagang mahal ko siya? Hindi ako kagaya mo na walang puso. Na kahit sarili kong kadugo pinatay ko," mariing paglilinaw niya sa akin.
Na sampal ko na siya sa galit ko kahit hindi naman talaga totoo ang mga sinasabi niya.
Nginisian niya ako kaya kumuyom ang kamay ko.
"I. Love. Her. So. Much," mariing ulit niya at para akong sinasampal sa sakit.
Napaluhod na lang ako sa tiles ng opisina ko nang umalis siya.
Na pa takip din ako ng bibig ko. Pero pinilit ko ang sarili ko na bumalik muli sa trabaho. Winaksi ko sa aking isipan ang mga sinabi ni Abraham kanina.
Hanggang sa may kumatok sa pintuan ng opisina ko at niluwal noon ay ang pinsan kong si Monique na ikakasal na.
20 years old nasiya ngayon, at alam ko ay may anak na siya at nagka amnesia pala itong bruha kaya pala mas lalon naging mataray.
Patay na si Tita Maureen. At wala na rin akong balita kay Mharissa pagkatapos noon. Never pa kaming nagkausap pagkatapos noong nangyari sa Casa noon.
Kung saan hinusgahan nila ako dahil inagaw ko si Abraham kay Mharissa. Hindi ko sinasadya dahil nagmahal lang naman ako.
Pero hindi ko rin sinabi na may tama ako.
"Oh, how are you? Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ka nandito," nakangising sabi ko sa kaniya.
Nginisian niya ako pabalik.
"Omg, congrats girl!" Sabi ko sabay yakap sa kaniya.
Mabuti pa siya ikakasal na. Nahiya naman ako bigla na mas matanda pa sa kaniya.
Hinila ko siya papunta ng sofa at na upo sa tabi niya. "Kaiyak naman ikakasal kana. Tapos ako single pa rin, " biro ko pa at kunwari pa'y naiiyak ako.
Malakas niya akong tinawanan. Palibhasa kasi ay ikakasal na. "Eh bakit hindi mo ayain si Abraham na mag pakasal? " nginisian pa niya ako at may pasiko-siko pa siyang nalalaman.
"Iyon? Aayain ko? Eh mag papakasal na nga ang mokong na iyon, " ngumiwi ako.
"Nako, mukhang malabo. Sinabi nga niya sa akin kanina I love her so much. Maasim na Abraham na ito! Di alam nung gurl na gamit na niya sa akin iyon!" Parang pumapait panlasa ko kapag na-aalala ko yon.
Inayos ko na lang ang mga trabaho ko para maaga akong maka-uwi at talagang pagod na pagod na ako.
Pero laking gulat ko nang makita ko si Abraham na nasa loob ng condo ko.
Paano siya nakapasok dito?
"Anong ginagawa mo rito?" Binaba ko ang sling bag ko para puntahan siya. Nasa malayo pa lang ako ay na amoy ko na ang alak mula sa kaniya.
Nagusot ang ilong ko. Nag-angat naman siya ng mukha sa akin. Mapupungay na ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Bakit gano'n? Bakit kahit anong gawin ko pakiramdam ko talo mo pa rin ako?" Naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi niya.
Pero alam ko kung bakit niya sinasabi ang lahat ng ito.
"Ang lapit mo na sa akin pero bakit pakiramdam ko napakalayo mo pa rin?" Mapait na tanong niya, hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo dahil sa sinabi niya.
Akmang lalapitan ko sana siya nang mag labas siya ng isang invitation card.
Invitation card na mas lalong nagpaguho ng mundo ko.
"Invited ka sa kasal namin."
Parang akong nanlamig kahit wala namang hangin sa loob ng condo ko.
Bumaba rin ang tingin ko sa table na pinaglagyan niya ng invitation card para sa kasal nila.
"Tapusin mo na ang dapat mong tapusin. I can't wait to marry her," huling sinabi niya sa akin bago ako iwan.
Sa pag lagpas niya sa akin kanina ay ang pagtulo naman ng mga luha ko na para bang kinalabit.
Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?
Hanggang ngayon ba ay hindi ko pa rin ba natutubos lahat ng mga kasalanang nagawa ko?
BINABASA MO ANG
Kiss in the Wind (Casa Bilarmino #5)
RomanceCasa Bilarmino #5 Lumaki si Patricia Faith Bilarmino na nakukuha ang lahat sa isang pitik lang ng daliri. Gusto niya na lahat ng nagugustuhan niya mapa-bagay man iyan o tao ay makukuha ka agad niya. Pero sa kabila ng mga iyon ang lungkot na nakakubl...